Nang matapos akong manggaling kina Manang Rossie, bumalik ako sa bahay ng Matandang Teofilo .. bumalik ako hindi para lapain ng mababangis na hayop sa kagubatan kundi upang magpaturo dito kung paanong nagagawa nitong patayin ang mababangis na Leon, kung magagawa ko yun, maipaghihiganti ko ang kamatayan ng magulang ko
Sa masukal na daan ako muling dumaan, pasalamat na lamang ako at wala ng mabangis na hayop ang humarang sa daraanan ko.. Mabilis naman akong nakarating sa bahay ng Matandang Teofilo
"Aba at nagbalik ka" salubong sakin ng Matandang Teofilo
"patay na po ang pamilya ko, ulilang lubos na din po ako, kung maaari po sana na kung pwedeng dumito muna ako tumira" sabi niya dito
"Hindi mo man sabihin bata alam ko ang layunin mo sa pagbabalik mo dito.. katulad mo ay gusto kong tulungan kang maipaghiganti ang magulang mo" sabi ng Matanda
"kilala niyo po ang magulang ko" sabi ni David
"malaki ang tinulong sakin ng iyong Mama at Papa .. Nang lumuwas tayo at sinubukan kong magtanung tanung tungkol sayo nalaman ko na ang pamilya pala ni Seniorito Ismael ang pinatay, kung nalaman ko lamang ng maaga ang ginawa ng mga tulisan, pagtuntong pa lang nila dito sa bahay ko ay pinatay ko na sila" sabi ng galit na si Tandang Teofilo "ikaw pala ang panganay na anak ni Senior, ikaw si David" sabi nito
"opo, tulungan niyo po akong makaganti, ang mga tulisan na yun ang dahilan ng pagkamatay ng magulang ko at pagkawala ng kapatid ko" sabi ko
"tutulungan kita" sabi ng Matandang Teofilo
Nanirahan ako dun ng 10 taon, saka lamang nagpakita ang tulisan na pumatay sa magulang ko .. Lumipas ang taon na magkasama kami naisalin na sakin ni Tandang Teofilo ang lahat ng nalalaman niya sa pakikipagtunggali.. kaya bago ito bawian ng buhay sa edad na 79 mahusay na niyang napapaamo ang mga mababangis na hayop... At ngayon nga sa kanyang paglalakad nakita nya ang mga tulisan na nging dahilan ng kanyang kalungkutan
"Hoy mga tulisan" harang niya sa mga ito
"Aba at may tarantadong humaharang sa daraanan natin" sabi ng isa sa lalaking tulisan ito ang lalaking nanggahasa sa kanyang Mama
Galit ang rumehistro sa kanyang mukha "ang tagal ko kayong hinintay na magbalik, sampung taon ko kayong hinayaan mabuhay sa mundong ito"
"aba at may sira yata talaga ang ulo nitong batang to, gusto mo bang makatikim" sigawan at tawanan ang mga tulisan
"hindi niyo ba ako natatandaan, ako ang isa sa mga anak na nakatakas ng patayin niyo ang magulang ko... ngayon na ang araw ng paniningil" sabi ko
"ikaw pala ang batang iyon, hindi ka pa ba nadala .. pinatay namin ang magulang mo"sigaw ni Abdullah ang pinuno ng tulisan
"pagbabayaran niyo ang ginawa niyo " humanda ako sa pagsugod
Sumugod din ang mga tulisan, isa isa niya itong pinatumba, na kinawalan ng ulirat ng mga ito. Natira ang pinakapinuno , takot sa mukha ang rumehistro dito.. Sinubukan nitong tumakbo pero mabilis siyang nakahabol at binigyan ng sunod sunod na suntok at sipa ang pinuno ng tulisan.. Sumipol siya ng tatlong beses mga ilang sandali pa lumabas ang tatlong mababangis na Leon na nging kaibigan niya sa paninirahan sa kagubatan.. Gutom na gutom na ang mga ito.. Mabilis na sinalakay ng mga Leon si Abdullah at pinagkakagat , hiniwa hiwa ng mga Leon ang katawan ni Abdullah para pagsaluhan.. at ang ibang tulisan ay katulad din ng ginawa kay abdullah.. walang natira sa mga ito.. Narinig niya pa ang hiyawan at paghingi ng saklolo ng mga tulisan... Kinain at nilunok ng mga kaibigan niyang Leon ang mga tulisan..
Marapat lamang na kainin ang mga tulisan ng Leon dahil mas higit pa silang hayop kesa sa mga hayop na naninirahan sa kagubatan
-----
Nagpahid ng luha si Tito David, sa pagbabalik tanaw nito...
" Malupit ang tao mas higit pa ang karamihan sa kanila ang asal hayop, mga walang kaluluwa" galit na galit ang mukha ni Tito David
"uminom ka muna ng tubig Tito David" abot niya ng tubig
"marami akong tiniis na hirap para mapatay ko sila.. Pakatapos kong maghintay ng sampung taon para mapatay sila.. pinalipas ko pa ang labing tatlong taon bago ako lumuwas ng Manila at balikan ang lahat ng kayamanang iniwan ng aking Magulang saming magkapatid... Sunod sunod na balita ng patayan, walang awang panggagahasa sa mga kababaihan ang nagpamulat sakin na kailangan kong kumilos at tumulong .. kaya bumuo ako ng grupo .. Karamihan sa mga naging miyembro ko ay nakadanas din ng kapighatian... Sinusulong kong mabigyan ng hustisya ang lahat ng mga taong inaargabyado lalo na ang mga kabataang babae na ginagahasa at pinapatay ng mga masasamang tao.. sa ganun lamang ay matakot ang mga taong gumagawa ng krimen, pero baliktad ang nangyari, mas lalong lumakas ang loob ng masasamang tao ng tanggalin ang death penalty kaya kami ang sumasagawa ng karampatang parusa sa lahat ng mga lumalabag sa batas" ani Tito David
"kaisa niyo ako Tito David sa panukala ninyo" pakikiisa ko
"kaya magpakatatag ka" sabi ni Tuto David
------
Umalis na si Jessica para makapagpahinga na si Tito David, muli ay binigyan niya ito ng sleeping pills para makatulog..
"wag kang mag alala Tito David tutulungan kitang hanapin si Daisy, kung totoong buhay siya, ibabalik ko siya sayo" pangako ko kay Tito David sa pagitan ng pagtulog nito. Nang masigurado niya ng nakatulog ito , kinumutan niya na ito at umalis na..
-------
to be cont...
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Misterio / SuspensoBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
