Pinagpasyahan ni Jessica na maligo muna bago tawagan si Tito David, kating kati na siya sa suot na damit at sa makapal na make up. Nang matapos makapaligo dun lamang niya dinial ang numero ni tito David
"hello Jessica bakit ngayon ka lang tumawag?, nalaman mo na ba ang balita,? manuod ka ngayon!" sunod sunod na tanung ni Tito David
Binuksa ko ang Tv na nasa harapan ko, sakto lamang sa balita.. Ayon dito nasaksihan ng kabit ni Miguelito ang pag iwan ng pumatay sa walang buhay ni Miguelito.
"hindi ko alam ang gagawin ko, isang babae ang pumatay sa kanya.. medyo madilim ang paligid, pero naaninag ko na isang babae ang pumatay sa kanya" sabi ng babae
"bakit ngayon mo lamang sinabi, lumipas ang isang araw bago ka lumantad at magbigay ng statement?" tanung ng reporter
"inaamin ko natakot ako, baka balikan nya ko" humahagulgol pa din ang babae
"Pasensya na po kailangan po namin siyang dalhin sa pulisya para makapagbigay ng statement sa nangyari" awat ng pulis sa mga humaharang na reporter sa babae
"nakita mo na? si Bryan ang masusing humahawak ng kaso sa mga pinatay mo .. mag ingat ka sa kanya" sabi ni Tito David
"hwag po kayong mag alala, hawak ko sa kamay si Bryan at dahil nakakasama ko siya mas madali ko siyang mapapaikot sa palad ko" gigil kong wika
"sinasabihan lang kita, wag mong pabayaan ang sarili mong mahulog kay Bryan baka pagsisihan mo" bilin pa ni Tito David
"hinding hindi mangyayari yan.. siya ang iiyak ng dugo samin dalawa" siguradong sabi ko
"panghahawakan ko yan, tungkol sa ibang tao sangkot sa misyon na hawak mo kailangan mong masiguradong walang makakakilala sayo, tandaan mo hindi pwedeng maisahan tayo ng mga kriminal na yan" >>>> Tito David
"naiintindihan ko po, maraming salamat sa paalala" binaba ko na ang cellphone
Muli ay tumapat ako sa laptop at kumuha ako ng maaaring makapagbigay impormasyon kay Charice bago ko ito kalabanin. Nakikita kong balang araw magiging sagabal ito sa misyon ko kaya kailangan kong paghandaan ang laban ko dito, nasisigurado ko hindi ito papayag na mapasa akin si Bryan
------
Kung iniisip ni Bryan na okey na sa kanila ang lahat ni Jessica nagkakamali siya, sa loob ng isang linggo , hindi nito sinasagot ang tawag at txt nya... Minsan ay sinadya nya pa ito sa bahay nito sa Makati pero wala si Jessica, parang naglahong bula... Lalo naman siyang nagalit kay Charice dahil eto ang dahilan kung bakit bigla na lang nagbago sa kanya si Jessica
"Jessica ... Please answer the phone" palakad lakad si Bryan sa sala ng kanilang bahay, kanina nya pa tinatawagan si Jessica pero hindi nito sinasagot ang tawag .. kaya bago siya matulog nag iwan siya ng message dito
"Please let us talk, let me take you out for dinner tommorow evening. Call me please" pagmamakaawa sa text ni Bryan
Binasa ni Jessica ang text ni Bryan sa kanya, alam kong hindi ito mapalagay.. Isang linggo na pala simula ng hindi ako magparamdam dito..
(i will not call you, not now, not tommorow or nextweek) bulong ng aking isipan
Kailangan ko munang lumayo at mag isip , naguguluhan ako dahil may isang parte ng aking puso at isipan ang tumututol na gamitin ko ito sa paghihiganti...
-------
to be continue
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
