Nag aalala na si David kay Jessia ilang araw ng hindi ito nagpapakita sa kanya pati ang enkwentro nito sa magkapatid na Ramos ay hindi nito sinabi sa kanya ... Alam niya sa kilos at galaw nito na may itinatago ito... Gamit ang sasakyan ay pinuntahan niya ang town house na tinitirhan ni Jessica. Sarado ang pinto at halatang walang tao dahil may susi naman siya nabuksan niya ang pinto at tuloy tuloy na pumasok sa loob .... Paupo na sana siya ng mahagip ng mata niya ang isang brown na sobre, nacurious siya at binuksan ... Bumungad sa kanya ang Dna test na pinagawa nito sa St. Lukes... Tinawagan niya ang numero ng taong nagsagawa ng Dna
David Laurel
Jessie Marulas
"hello good afternoon can i speak to Doc Ignacio" bungad ni David sa kausap
"yes speaking..may i help you" sagot ni Doc Ignacio sa kanya
"yes this is regarding of the Dna test result of David and Jessie" tugon niya
"yes and what is it?" tanung nito
"Never mind" binaba na ni David ang tawag .. Bakit kailangan ilihim ni Jessica na nahanap na nito ang kapatid niya "Jessie Marulas" biglang kumuglit sa kanya ang apelido ni Melancio, anu ang kaugnayan nito dito at bakit inilihim ito ni Jessica sa kanya... kailangan niyang gumawa ng sariling imbestiga sa nalaman kung totoong kapatid niya ang babaeng tinutukoy nito kailangan niya itong makita...
Mabilis na itinabing muli ni David ang sobreng hawak ng marinig niya ang sasakyan ni Jessica... Sinalubong niya ito, wala siyang planong ipaalam dito ang kanyang natuklasan
"Tito David" bakas sa mukha ko ang pagkagulat "anung ginagawa niyo dito"
"bakit hindi ka na ba pwedeng bisitahin? ilang araw ka ng hindi nagrereport sakin? at tungkol sa misyong sinagawa mo sa pamilya Ramos hindi mo na ba inintindi ang kaligtasan mo, panu kung may nakakilala sayo!" galit na sita nito sa akin
"pinag aralan ko ng mabuti ang gagawin ko bago ako sumugod" giit ko
"hindi yan ang ibig kong sabihin, ang gusto ko nagrereport ka sakin sa lahat ng mga ginagawa mo, bakit bigla kang nagbago may tinatago ka ba?" nayayamot na saad nito
Nag iwas ako ng tingin " wala akong tinatago Tito David if you excuse me gusto ko pong magpahinga" at dali dali na akong umakyat sa taas
Imbis na komprontahin si Jessica pinili na lang niya ang umalis ng bahay, pagkatapos niyang ilock ang lahat ng pintuan...
Dinig ni Jessica ang pagkakalock ng pintuan ni Tito David, hindi niya maharap ito ng maayos binabagabag siya ng kaalaman tungkol sa kapatid nito,.. Hindi man niya gustong sagutin ito ay wala siyang nagawa, minabuti niya na lang na magpaalam na magpapahinga para matapos na ang komprontasyon nito... Alam niya na ikasasama ng Loob ni Tito David ang kanyang inasal ...
-------
Habang papunta na si Jessica ng sa bahay ni Tito David upang humingi ng tawad dito .. isang sasakyan ang humarang sa akin.. pinababa ako at pinaputukan ng mga lalaki
"baba kung gusto mo pang mabuhay" sabi ng lalaki
"anung kailangan niyo sakin" matatag na sabi ko at humanda sa pakikipaglaban
"malalaman mo din mamaya sa ngayon matulog ka muna" tinakpan ng lalaking nasa likuran ko ang bibig at ilong ko... ilang saglit lang ay nakatulog na ako
"Nasaan ako?" tanung ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko.. Nakatali ang kamay ko sa likod ng upuan
"nasaan pa , e di na sa impyerno" tatawang sagot ng lalaki
"sino ang may pakana nito?" pilit kong maging kalmado habang kinakalas ang pagkakabuhol ng tali sa kamay ko
"Ako" sigaw ng babaeng nakatayo sa pintuan
"walangya ka talaga Charice , hayop ka ... anung kasalanan ko sayo!" gigil na sabi ko
"iwan mo muna kami" sabi ni Charice sa lalaki "ngayon gusto mong malaman ang tanung sa sagot mo?eto" sinampal ako ng paulit ulit nito, Nang mapagod ito ay kusang tumigil.. nalasahan ko ang dugo sa bibig dahil sa pagkakasampal ni Charice "ikaw ang dahilan kung bakit ayaw magpakasal sakin ni Bryan" tinutok nito sa hawak na baril
"wala akong kinalaman kung ayaw niyang pakasalan ka ... matagal na kaming tapos!" sigaw niya
"tumigil ka , sinubukan kong pikutin si Bryan pero hindi niya ko gustong panagutan" sabi nito sa nababaliw na tono
"anung ibig mong sabihin?" tanung ko
"tanga ka talaga , walang nangyari samin ni Bryan... ginawa ko lang iyon para pakasalan niya ako" bulyaw nito
Tumawa ako ng malakas na lalong kinainis nito ng sobra
"tatapusin kitang talaga" lalong nanggagalaiting sigaw nito.
"sige dahil kahit anung gawin mo hindi ka magagawang mahalin ni Bryan dahil isa kang baliw... baliw" pagdidiin ko sa sinabi
"malandi ka naman, papatayin kita pero bago yun pakikinabangan muna kita" tumatawang sabi nito
Maya maya ay kinuha nito ang cellphone na hawak
"hello Bryan"sagot nito sa kausap "hindi mo gugustuhing ibaba ang hawak mong cellphone kung gusto mo pang makita ang babaeng pinakamamahal mo" sabi nito na napag alaman kong si Bryan ang kausap... Tinapat nito ang cellphone sa akin
"magsalita ka" utos nito sa akin, sinampal ako nito at napadaing ako sa sakit
"hayop ka talaga Charice ... Bryan wag kang pupunta dito" sigaw ko at inagaw nito ang cellphone
"narinig mo yun, kapag hindi ka pumunta dito papatayin ko ang babaeng pinakamamahal mo" sabi ni Charice
"walangya ka talaga Charice wag na wag mong sasaktan si Jessica papatayin kita" sigaw ni Bryan
"walangya talaga ako dahil naging walangya ako ng dahil sa pag ibig ko sayo kapag hindi ka pumunta dito sa rest house namin sa subic papatayin kita...bibigyan kita ng dalawang oras" sabi ni Charice na nababaliw na
"malapit ng dumating si Bryan gusto kong tunghayan mo ang pagpapakasal namin" tumatawang sabi nito
"kayo tiyakin ninyo na hindi makakatakas ang babaeng yan, itali niyong mabuti ... gusto kong makita niya ang pag iisang dibdib namin ni Bryan at takpan niyo ang bibig ng babaeng yan ayoko ng maingay"
"yes Mam" sagot ng lalaki
"wag kang mag alala Jessica dahil habang naghohoneymoon kami , makikipaghoneymoon ka din sa mga body guard ko" tumatawang nilasan siya nito
"hayop ka talaga" sigaw ko sa patuloy na pagwawala
"ako ang mauuna sa kanya mamaya..." sabi ng lalaking malagkit ang tingin sa akin
-----
to be continue
BINABASA MO ANG
My GIRLFRIEND IS ASSASSIN
Mystery / ThrillerBangungot ng kahapon ang gigising sa kanya sa kalupitan ng tadhana... Matuto kayang umibig si Jessica sa kaaway?
