CHAPTER 43 (ang pagmamakaawa)

248 5 0
                                    

Nakita niya si Melancio na nakatayo sa beranda, nakatingin sa malayo at hinihintay siya

"Ninong" pukaw niya kay Melancio "tungkol sa nangyari kanina, hindi ko alam panung nangyaring nandun siya sa kwarto, ang alam ko pagkatapos natin uminom nakatulog ako" umpisa ni Bryan

"Bryan mula't sapul alam mong malaki ang tiwala ko sayo, kung may respeto ka samin ng Ninang mo gusto kong pakasalan mo si Charice , sa oras na malaman ng magulang niya ang nangyaring ito papatayin ka nila" sabi ni Melancio

"pero Ninong walang nangyari samin ni Charice" pagpipilit ni Bryan

"lasing ka Bryan ng gabing iyon, panu mo nasabing walang nangyari sa inyo ni Charice, siya ang nasa matinong pagiisip ng gabing iyon dinahas mo siya dahil sa galit mo kay Jessica" madiin na sabi ni Melancio

Natahimik siya sa sinabi nito... "Ninong hindi ko mahal si Charice, masasaktan lang siya kung pagpipilitan niyong pakasalan ko siya" patuloy ko sa pagtanggi

"kung hindi mo siya pakakasalan mabuti pang ituring mo na akong hindi kakilala" pinalidad na sabi ni Melancio

"Ninong patawarin niyo ako pero hindi ko magagawang sundin ang gusto niyo, may mahal akong iba at siya lang ang pakakasalan ko" pagtalikod niya nabunggo niya ang katawan ni Charice na nasa likuran na niya

"Bryan bawiin mo ang sinabi mo, pakakasalan mo ako.... bawiin mo" pagmamakaawang yakap ni Charice sa kanya

"Charice bitiwan mo siya" sabi ni Melancio

"No, Tito... I said No..., pakasalan mo ako Bryan mahal kita , mahal na mahal kita" pilit naman binabaklas ni Bryan ang yakap ni Charice , napaluhod ito at pilit pa din siyang inaabot

"Bryan kapag umalis ka ng bahay na ito, ituring mo na akong kaaway..." sigaw ni Melancio, nagsukatan sila ng tingin at tuluyan ng umalis sa harapan ng mga ito, patuloy naman sa pag iyak si Charice

Nakasalubong niya si Ninang Jessie bago makalabas ng bahay

"Ninang pati po ba kayo aakusahan niyo ako, isa lang ang masasabi ko hindi ko magagawa ang binibintang sakin ni Charice" sabi niya

"naniniwala ako sayo iho, kung ano ang tingin mong tama at kung sino ang totoong mahal mo ipaglaban mo" tangong tugon nito "sige na iho umalis ka na nandyan na sina Melancio at Charice"

"salamat Ninang" niyakap niya pa ito bago tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan

"anung sinabi mo sa kanya" gigil na sinabunutan ni Charice si Jessie

"tama na, wala akong sinabi sa kanya" sigaw niya sa nararamdaman na sakit sa paghablot ni Charice sa buhok niya

"tama na yan Charice" awat ni Melancio

"wag mong sasabihin kakampihan mo ang babaeng hampaslupa na ito Ninong" sigaw ni Charice

"hindi, pero tigilan mo na yan hindi mo makukuha ang gusto mo kung ang babaeng yan lang ang pagaaksayahan mo ng oras" sabi ni Melancio dito

"pasalamat kang basura ka" duro nito kay Jessie at binitiwan na ni Charice ang buhok niya...

"Jessie umakyat ka na sa taas mag uusap tayo" sigaw ni Melancio

-----

"Ninong hindi maaaring hindi niya ako pakasalan" palakad lakad na sabi ni Charice "tulungan mo ako"

"Charice pwede ba tumigil ka!!! pumayag na ko sa kalokohan mong ito . Nang dahil sayo nasira ang relasyon namin ni Bryan" sigaw ni Melancio

"hindi ako matatahimik hanggat hindi siya napapasaakin" tulirong sigaw ni Charice "gawin mo ang lahat ng magagawa mo Tito, titiyakin ko sayo ang kalahati ng kayamanan ko mapupunta sa iyo"

"iha hindi ko alam na ganun talaga ang pagnanais mong makuha si Bryan., masusubukan kong matulungan ka" ganid nitong saad

"wag mong subukan gawin mo at gusto ko sa lalong madaling panahon magpakasal siya sakin" matigas na sabi nito

------

to be continue

Magtagumpay kaya si Melancio na kumbinsihing pakasalan ni Bryan si Charice? at totoo ba ang sinabi ni Charice na ibibigay nito ang lahat ng mamanain sa magulang nito

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon