CHAPTER 16 (ang panggugulo)

333 6 0
                                        

"ang dami naman niyan, baka maempatso ako" nalulula ako sa pagkain na inilagay ni Bryan sa plato ko

"dont worry sweety, sasaluhan kita sa pagkain" sinubuhan ako nito

"look at them, ang sweet nila diba?" sabay kami ni Bryan napalingon sa pinanggalingan ng boses

"yeah, mukha na ngang nilalanggam" sabi ng isa "nakakadiri" pinagpag pa nito ang kamay sa karapan nila

"Charice dont make scene" gigil na sabi ni Bryan, hinila nito ang babae at inilayo sa akin.. ngitngit na ngitngit ang kalooban ko

Umalis ako sa kinauupuan ni hindi ko na nakuhang magpaalam sa magulang nito ...Mabilis na akong sumakay ng taxi, nakita ko sa side mirror si Bryan na hinahabol ako ng sasakyan nito

Nang makarating sa bahay halos sabay pa kaming bumaba ng sinasakyan

"bakit ka umalis?" tanung ni Bryan

"tinatanung mo ko kung bakit ako umalis?" balik ko ng tanung

"okey, im sorry.. kung iniisip mo si Charice pinagsabihan ko na siya" pagsuko nito sa pakikipagtitigan ko

"wala akong pakialam kung anu ang meron sa inyo ng babaeng yun now get out of my way" sinubukan kong umalis sa pagkakaharang nito

"pakinggan mo muna ako, walang namamagitan samin ni Charice, pamangkin siya ni Ninong Melancio, kinausap ko na din ito sa ginawa ni Charice" pagpapaliwanag nito

Pagkarinig ko sa pangalan ni Melancio, biglang nakarinig ng Bell ang tenga ko

"ano ang kaugnayan ni Charice sayo?" pang uusig ko

"matagal ko ng alam na may gusto siya sakin, mga bata pa lang kami hiniling niya na sa mga magulang niya na pakasalan ko siya pagtuntong niya ng 18 years old.. Siguro dahilan din nang pagkaobsess niya sakin ang kawalan ko ng interes sa mga babae, palagi na lamang siyang nasa likod ko para guluhin ang mga babaeng binabalak kong ligawan, Nang nalaman ng magulang niya ang ginagawa nito ipinadala ito sa Amerika at pinagamot" pagpapaliwanag nito

"anu naman ang malalim na dahilan para ipada ito sa Amerika?" tanung ko ulit

"Si Lalaine kamuntikan ng marape ng mga kalalakihang inupahan nito para layuan ko, ang katwiran nito gusto lamang takutin.. mabuti na lamang at may grupo ng mga binatilyong nakakita at nagsumbong sa malapit na pulis station, Pangalawa si Shaine kinulong niya sa bodega ng eskwelahan at tinakot hanggang sa mawalan ng ulirat, Pangatlo muntikan niya ng mapatay si Kate nilason niya ito, kung hindi siya naagapan ng Doctor baka namatay 'to sa kagagawan ni Charice" sabi ni Bryan

"kailangan ko pa lang lumayo sayo, para hindi mangyari sakin ang mga nangyari sa mga babaeng nalink sayo"

"No, hindi ako papayag na saktan ka nya, kaya pinilit ko siyang ilayo sayo bago pa siya makagawa ng kalokohan.. Nalaman ko kay Ninong Melancio na kaya pinayagan si Charice na umuwi ay gumaling na ito" tutol nito sa sinabi ko

"anu naman ang garantiya kong hindi ako masasaktan ng babaeng yan ang sabi mo nga obsess siya sayo" taas noong tanung ko

"kailangan niya muna akong patayin bago niya mahawakan ang dulo ng kuko mo, hindi na ako papayag na saktan niya ang babaeng pinakamamahal ko" tiim ang titig nito sakin

"natatakot ako sa kanya, nagselos ako ng makita kong nilayo mo siya sa akin at hindi mo ako pinakilalang girlfriend mo" pakunwari kong sabi dito yumakap pa ako ng mahigpit dito

"shhhhhhh i love you, no one can hurt you lalong lalao na si Charice hinding hindi ko mapapayagan na gawan ka niya ng masama" hinagod pa nito ang likod ko

(Sige lahat kayo mahulog sa bitag ko..) ngiting ngiwi ang namutawi sa labi ko

Nang magpaalam na ito para makapagpahinga ako mabilis kong sinara ang pinto at binuksan ang laptop na gamit ko.. Sunod sunod na messages ang dumating sa cellphone ko, gusto daw ni Tito David na makausap ako...

-------

to be continue..

Pls. vote and share ... 😊

My GIRLFRIEND IS ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon