Chapter 2

128 6 0
                                    

"TAMA lang ang ginawa ko. Tama ang desisyon ko. Why should I marry him? Why should I marry any guy, for that matter? I am not destined to be a wife." Paulit-ulit na kinakausap ni Anette ang sample ng isang nano-chip sa ilalim ng microscope. Wala naman siyang ibang pwedeng paglabasan ng sama ng loob, maliban sa mga nakalatag na specimen sa nirerentahang laboratoryo.

Nagulat si Anette nang may pumatak sa kanyang sample. Dahil na-contaminate na ng luha niya ang inieksaming nano-chip ay maingat niya iyong tinanggal sa microscope at dinispose.

Umupo ang dalaga sa silyang nasa gilid ng maliit na laboratoryo. Simula pagkabata ay ugali na niyang sumiksik sa sulok tuwing nakakaramdam ng lungkot. Sa mga oras na iyon, namiss na naman niya ang daddy niya. She's close to her dad more than anybody in the world. Namatay sa panganganak ang mommy niya kaya sa pictures na lang nya ito nakagisnan. Ang mga kamag-anak naman nila ay hindi niya kapalagayan ng loob. Ang karamihan pa nga ay sa pangalan lang niya kilala.

Isang field service engineer ang ama sa isang malaking kumpanya na nagtatayo ng mga cell sites sa Pilipinas. Hiningi ng trabaho nito ang madalas na pagbiyahe sa iba't ibang panig ng bansa. Dahil ayaw mahiwalay sa anak ay kasa-kasama siya nito kahit saan madestino. Lumaki si Anette na palipat-lipat ng lugar at walang permanenteng tirahan. Wala ring mga permanenteng kaibigan. Kaya naman nakasanayan na niyang mamuhay nang silang dalawa lang ng ama. Dito na rin umikot ang mundo niya. Kaya nang magdalaga, naisip niyang hindi siya mag-aasawa. Naniniwala siya na ang misyon niya sa buhay ay alagaan lang ang daddy niya.

Ano ka ba, Anette! Pinigilan niya ang sarili na maging emosyonal. Kailangan mong maging matatag! Sumbat pa nito. Hindi siya dapat magpatinag. Kahit pa sa bilyonaryong si Lawrence Ng.

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon