IT HAS been a stressful day sa opisina. Pero napangiti si Anette nang makita ang laman ng organizer ni Lawrence. Puno iyon ng mga doodles at sketches ng mukha nila ni LJ. Habang patuloy na binubuklat ang mga pahina ay pumukaw sa kaniya ang isang listahan na matiyagang sinulat ni Lawrence. 'Ways to Love Anette...'
Napahawak ang babae sa wedding ring niya nang simulang basahin ang gawa ng asawa.
'Number one. Love Anette. Believe she can raise a dead man back to life.'
Natawa si Anette. Tama, nagsimula ang lahat dahil sa paniniwalang magagawa nga niyang buhayin uli ang ama. Ilang taon ang lumipas at hanggang sa huli ay buo ang suporta ni Lawrence sa kanya.
Isa-isang binasa ni Anette ang listahan. 'Twenty-four. Love Anette. Marry her. She needs someone by her side when she grows old.'
Dati pa dini-deny ni Anette sa sarili na caring ang asawa. Nagbulag-bulagan siya sa effort nito. Pero ang totoo, ramdam niya ang pag-aaruga ni Lawrence sa kanila ni LJ. Lagi niyang iniisip ang kapakanan nilang mag-ina. Madalas nga, mas alam pa nito kung ano ang makakabuti sa kanila, bago pa man niya iyon ma-realize.
Pinagpatuloy ng biyuda ang pagbabasa, walang bilang na nilalaktawan. 'Fifty-three. Love Anette. Make her a mother by all means. A child will fill in the gap in her heart which nobody else can.'
Hinawakan ni Anette ang suot na locket na bigay ni Lawrence. Magkahalong emosyon ang naramdaman niya. Masaya siya sa desisyon ni Lawrence na magkaanak sa kaniya, dahil tama ito. Pinuno ni LJ ng kakaibang pagmamahal ang puso niya. Pero nakadama din ng matinding lungkot ang babae. Siguradong mahirap para kay Lawrence na tanggaping hindi nito kayang punan ang pagkukulang sa puso niya kahit ano pa ang gawin nito.
'Sevety-nine. Love Anette. Lie or keep secrets. Some truths may hurt her.'
Naalala ni Anette kung paanong hanggang sa huli ay pinanindigan ni Lawrence na anak niya si LJ. Nagalit siya sa asawa dahil sa ginawa nitong panloloko at lalo na sa hindi nito pag-amin ng kasalanan. Ni hindi nga niya nakuhang patawarin ang lalaki. Pero sa bandang huli, ang dahilan pa rin pala ay siya. Dahil ayaw siyang masaktan ng asawa. Dahil mahal siya nito.
Nagpatuloy si Anette sa pagbasa ng huling bilang sa pahina. 'One hundred. Love Anette. Fight for her, even if it hurts everytime she pulls away. She's worth every pain.'
Tuluyang pumatak ang luha sa pisngi ni Anette. Bakit ba niya nabigyan ng pasakit ang lalaking nagmahal sa kaniya ng sobra? Nadurog ang puso niya habang naaalala kung paanong ilang beses niya pinagtabuyan si Lawrence. Pero araw-araw, binabalikan siya nito para suyuin ulit. Bakit ba kasi hindi tumibok ang puso niya para dito? For the very least, she could have shown him kindness. But she remained childish and self-centered.
Sa sulok ng opisina binuhos ni Anette ang lahat ng luha. Yakap ang organizer ay kinausap niya si Lawrence at paulit-ulit na humingi ng tawad. Umaasa siya na mapapawi pa ng mga dasal niya ang lahat ng sakit na nadulot niya sa asawa.
Anette looked at Lawrence's notebook once again. She slowly turned another page and saw a single entry.
101. Love Anette. Set her free.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
Storie d'amoreLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...