TUMULOY si Anette sa kuwarto ni LJ. Iniiwasan nito si Lawrence. Akala niya sa pagdating ng bata sa buhay nilang mag-asawa ay nakaraos na sila sa pagiging aso't pusa. Pero nitong mga nakaraang araw, hindi na naman sila nagkikibuan dahil kay Kiel. Habang tumatagal ay lalong nahihirapan si Anette makasama ang driver niya, at sinisisi nya iyon kay Lawrence.
Nadatnan ni Anette ang asawa sa kwarto ng anak. Lalabas na sana siya pero bago pa niya iyon nagawa, sinalubong na siya ni Lawrence.
"Bakit lagi ka na lang ginagabi? Can you go home earlier next time?" Sermon ang pinangbati sa kaniya ng asawa.
"Pati ba naman ikaw?" Buntong-hiningang sabi ni Anette. Manang-mana sa'yo ang driver mo.
"Anong pati ako?"
"Never mind. Akin na si LJ."Akmang kukunin ni Anette ang anak sa pagkakakarga ni Lawrence, pero hindi pumayag ang lalaki.
"Pagod ka. Baka matransfer sa bata ang stress mo. If you want to spend time with your son, bawasan mo ang oras mo sa lab."
"You know what? You're the one who's stressing me out!"
"Really now?!"
Mabuti na lang at naka-antabay ang yaya ni LJ. Maagap nitong kinuha ang sanggol nang maramdamang mag-aaway na naman ang mag-asawa.
"Anette!" Tawag ni Lawrence sa asawa nang padabog itong lumabas ng kwarto. Nahawakan niya sa braso ang babae kaya hindi rin ito nakalayo.
"I'm tired. Matutulog na ako."
"I have a surprise for you."
"H-ha?"
Marahang hinila ni Lawrence ang asawa papunta sa isang bakanteng kuwarto. Nang buksan ng lalaki ang ilaw, nagulat si Anette sa nakita.
"You turned this room into a home art studio?" Hindi makapaniwala ang babae, habang hindi rin niya maitago ang pagkasabik.
"Yes, para makapag-paint ka ulit. Naaalala ko sabi mo dati, you love to paint. Naisip ko, this could be your catharsis. Something that will relieve your stress away. Did you like it?"
"Yes. I love it!" Niyakap ni Anette ang asawa. "Thank you."
"I'm glad." Nakahinga ng maluwag si Lawrence. Sa wakas ay nagkaayos na sila.
"Pero..."
"Pero?"
"Mas magiging masaya sana ako kung..."
"Kung?"
"Kung tatanggalin mo na si Kiel"
"No, Anette. Don't push it."
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...