Chapter 22

56 3 0
                                    

IT IS SYNerGy Pharma's 50th Founding Anniversary. Ang selebrasyon ay ginanap sa Manila Hotel na dinaluhan ng lahat ng empleyado, mula sa executives hanggang sa mga guardiya. Nandun din ang mga malalapit na kliyente at suppliers ng kompanya, mga kaibigan, at maging mga pulitikong malapit sa pamilya Ng at Sy.

Pinili ni Anette na samahan sa mesa ang team niya sa R&D Division, kahit na pinilit siya ni Lawrence na umupo kasama nilang mga Board Members. Bukod sa mas kapalagayan niya ng loob ang mga katrabaho sa laboratory, nitong mga nakaraang araw ay panay ang parinig at pagsusungit sa kanya ni Biatrice nang hindi niya maintindihan kung bakit.

Pormal man ang okasyon ay di pa rin naiwasan nila Doc Eric at Pia ang mag-asaran dahil sa mga suot nila.

"Ang isputing ng dating natin, doc ah" Panunukso ni Pia.

"Walang-wala ang itsura ko kung itatabi sayo. Hindi nga kita matignan ng deretso."

"Bakit naman doc? Shy ka sa kagandahan ko?"

"Nakakasilaw ka. Kelangan ko pa mag-sunglasses. Ang kinang ng gown mo, para kang aattend ng awards night!"

Nagtawanan ang lahat sa mesa. Pero si Anette, wala ang atensyon sa mga kasamahang nagkakasiyahan. Naligaw ang paningin niya sa direksyon ni Kiel. Naka-itim na Amerikana ang binata. Tenernuhan iyon ng kurbatang pula sa ibabaw ng puting polo. Naka-brush up ang buhok niya at well-shaved ang mukha na lalong nagpa-angat sa kakisigan nito. Ilang mga empleyado ang kau-kausap ni Kiel, karamihan ay mga babae tulad nila Myla at Celine.

Dinaan ni Anette ang inis na naramdaman sa pakikipagusap sa sarili. Aba, tuwang-tuwa! Nakabola na naman sya ng mga babae. Palibhasa, maayos ang itsura ngayon, kagalang-galang kuno. Hindi nila alam na isang malaking flirt ang mokong. F na F talaga, nakakagigil!

Habang pinagmamasdan ni Anette si Kiel ay napalingon ang lalaki sa direksyon niya. Ngumiti ang binata. Tumaas ang dalawang kilay nito, nagtatanong kung may kailangan ba ng amo sa kaniya.

Irap ang sinukli ni Anette. Nakakainis talaga! Pa-cute pa.

Ayaw na sana niyang bigyan ng pansin ang lalaki dahil habang tumatagal ay nahahalata niyang nababawasan ang pagaaway nila at nagiging kampante na sila sa isat isa. Malayo iyon sa planong pahirapan ang binata para ito na mismo ang sumuko bilang driver niya. Higit sa lahat, tuwing pinagmamasdan niya si Kiel ay naaalala niya ang nakaraan nila. She feels guilty.

Nabasag ang pagmumuni-muni ni Anette nang tawagin sa stage si Lawrence para sa President's speech.

"First and foremost, I would like to pay respect to two people who are the main reasons why we are celebrating this milestone. Mr. Lee Ng and Mrs. Mei Sy – Ng. Xiexie fuqin, muqin." Pagpapasalamat ni Lawrence sa mga magulang niya. "It was just a humble beginning. They were in their forties when they started this company here in the Philippines. Pero ang hindi alam ng nakararami, nagsimula ang lahat sa pag-ibig."

Bakas sa mukha ng mga taong naroon ang paghanga kay Lawrence. Likas na malakas ang karisma nito kahit na intimidating. Lalo iyong napansin ni Anette habang pinanonood ang asawa.

"Gaya ng typical Chinese tradition, theirs was a fixed marriage. At first, they were hurt. But it was destiny's way of crossing their paths. Over time, the pain was healed. Their emotions are so deep that they wanted to institutionalize their love for each other through healing. Then, SYNerGy Pharma was born."

Nagpalakpakan ang lahat. Sa pagtatapos ng speech, hindi inaasahan ng lahat, lalo na ni Anette ang pahayag ng asawa. "As we celebrate our 50th anniversary, I am also making an important announcement. Ladies and gentlemen, I will be stepping down as President and CEO."

Nagulat ang lahat sa sinabi ni Lawrence, pero nagpatuloy ito sa pagsasalita. "I will remain to be the Chairman of this company, but the Board has decided to further exemplify the legacy of my parents. And we all believe that there is no better person who can lead in preserving the values other than my wife, Mrs. Anette Costales – Ng. She will be promoted from Vice President of R&D Division to President and CEO of SYNerGy Pharma."

Napakapit ng mahigpit si Anette sa kinauupuan niya. Kita sa mukha nito ang pagkalito sa mga nangyayari nang mga oras na iyon. She was completely clueless.

"I would like to call the new President and CEO to please join me on stage." Paanyaya ni Lawrence.

Bahagyang nasilaw si Anette sa spotlight na tinapat sa kanya, pero wala naman itong nagawa kundi ang sumunod sa asawa. Pag-akyat ng stage ay inabutan siya ng kupita.

"I would like to propose a toast." Tinignan ni Lawrence si Anette na noon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Ngumiti ang lalaki, saka uli kinausap ang audience. "To fifty years of SYNerGy Pharma and to the years of love and healing to come, with our new President and CEO. Cheers!"

Sabay-sabay na tinaas ng mga tao ang kanilang hawak na inumin. Amidst the happy faces, Kiel's sad eyes caught Anette's attention. Tumungo ang binata.

"SYNerGy Pharma!!!! Are you ready for the night?" Niyanig ng malakas na boses ng host ang buong hall. "May we request Mr. and Mrs. Lawrence Ng to grace the dance floor."

Inabot ni Lawrence ang kamay niya kay Anette, at inalalalayan ito pababa. Sinayaw ng lalaki ang asawa habang tumutugtog ang kantang 'Wonderful Tonight' ng Ezra Band.

"How dare you do that to me, Lawrence?" Hindi nakaligtas ang lalaki sa galit ng asawa.

"It was a surprise for you."

"Ni hindi mo hiningi ang opinion ko, kung tatanggapin ko ba?"

"Maraming may gusto sa posisyong yon. Pero ikaw lang ang fit. Wag na nating pagtalunan." Malumanay na sagot ni Lawrence. "Bagay din sayo ang kanta. You look wonderful tonight, Anette."

Hindi na nito napansin ang compliment ng asawa dahil sa di kalayuan ay nahagip na naman ng mata ni Anette si Kiel na nakamasid sa kanilang dalawa.

Humigpit ang yakap sa kaniya ni Lawrence. "Whatever it is that's bothering you, put it to rest. Nandito lang ako para sayo. You're right where you belong, Anette. With me."

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon