Chapter 27

53 3 0
                                    

Mas malakas pa ang kabog sa dibdib ni Anette kesa sa narinig na katok sa pinto ng tinutuluyan niyang resthouse sa Samar. Dumating na nga siguro ang araw na kinakatakutan niya. Ang matunton sila ni Lawrence.

"A-ano'ng ginagawa mo dito?" Pagkakita kay Kiel ay napalitan ng galit ang nerbiyos na nararamdaman kanina.

"Boss Anette, mag-usap tayo. Wala akong masamang intension sainyo ng anak ko."

"Wala kang anak dito! Umalis ka na bago ako tumawag ng barangay!" Akmang isasara ni Anette ang pinto nang pigilan iyon ni Kiel.

"Paano ka hihingi ng tulong sa lugar na ito? Ang lalayo ng bahay sa isa't isa. Halos malayo sa sibilisasyon."

"Yun na nga, eh! Lumayo na nga kami ni LJ, pero ayaw mo pa rin kaming tantanan!" Nagsimulang mangilid ang luha ni Anette.

"Hinanap ko kayo kung saan-saan. Naalala ko, may kausap ka sa telepono tungkol sa pagbili ng property sa lugar na to, kaya nagbakasakali ako. Nasaan ang anak ko?"

"At paano ka nakakasigurong anak mo si LJ?"

"Ipapaliwanag ko sayo, papasukin mo ako."

"Alam ba ni Lawrence na nandito ka?"

"Hindi. Pero sigurado akong ginagalugad din niya ang buong mundo para hanapin kayo ni LJ. Hindi siya titigil hanggang hindi ka bumabalik sa kanya."

"Bakit naman ako magtitiwala sayo? Umpisa pa lang naman, pera na ang habol mo sa akin. Hindi mo makukuha si LJ. Mamamatay muna ako bago may makakuha sa anak ko! Kaya utang na loob, umalis ka na!"

Tinaboy ni Anette ang lalaki saka sinara ang pawid na pinto. Malakas ang kaba sa dibdib niya. Kung tutuusin, kayang pumasok ni Kiel sa loob ng bahay. Isa iyong modernong bahay kubo na underdeveloped pa at wala pang bakuran. Walang landline doon para mahingan ng tulong. Madalang rin ang pagpalo ng signal.

Napili niya ang tahimik na lugar para sa kaniyang retirement home. Binili niya ang property sa sariling pera. The house is still a work in progress, pero mukhang matatagalan na bago iyon matapos. Iniwan niya ang lahat ng ATM at Passbook niya. Alam na niyang iti-trace ng asawa ang joint account nila kaya hindi siya nagdala ng malaking halaga.

Sa ngayon, gustong malaman ni Anette ang katotohanan. Pinakamadali sana ang DNA testing. Pero hindi naman siya makapag-request nito dahil paano kung si Lawrence naman talaga ang ama? Siguradong kung ano-anong haka-haka ang lulutang kung bakit kinailangan pang magpaDNA test ng dalawa. Maaari pang magdulot iyon ng eskandalo sa opisina. Or worse, in the entire business world.

Pero habang tumatagal ay naiisip niyang posible ngang maging anak ni Kiel si LJ. Si Celine ang higit na nakakaalam. Pero wala siyang nakuhang pag-amin galing sa OB Gyne niya.

Si Celine ang kinonsulta noon ni Lawrence nang mahigit isang taon na ay hindi pa rin sila nagkakaanak. Pagkatapos ng ilang tests, nagrekomenda ang doktor ng IUI o intrauterine insemination procedure para mapadali ang pagdadalang-tao niya. Ang IUI ay sinimulan sa pagkolekta ng sperm sample ni Lawrence. Pinili ang pinakamabibilis na sperm cells galing sa nasabing sample. Sa tulong ng mga aparato, si Celine ang nag-insert ng washed sperm sa puwerta ni Anette.

Hindi naging successful ang una nilang attempt. Sabi ni Celine, nangyayari talaga iyon. Kung minsan nga daw ay hanggang apat o higit pang session bago magkaron ng positive result. Kaya naman pumayag siya na mag-undergo ulit sa procedure sa pangalawang pagkakataon. Then she conceived. Anette even gave birth. May mga pictures si Lawrence na nakunan nung pinanganak niya si LJ, so she is very sure na hindi nagkaroon ng baby swapping.

Sperm ni Kiel ang naimplanta sa sinapupunan niya. Chances are slim. But that's the only possibility that Anette can ever think of. At tuwing naiisip niya iyon, kinikilabutan siya. How can such unfortunate thing happen to her? Lalo na kay LJ.

Sinilip ni Anette ang bata sa silid nito. Mahimbing ang tulog ng sanggol. Walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa mundo nito.

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon