ANETTE opened her eyes. Hinawakan niya ang ulo dahil sa naramdamang matinding sakit. Wala naman siyang naramdamang sugat, so she's sure it's just hangover. Napansin niyang wala siyang saplot. Her first instinct is to cover herself. Hinanap ng kamay niya ang kumot sa kama. Wala. Bumangon siya at tinignan ang sahig. Wala rin.
Shit! Nasan ang kumot?!
Noon lang siya talagang nagising. Nagsimula siyang magpanic. Bakit wala ang lalaki sa tabi niya? Una niyang hinagilap ang bag niya. Naghinala si Anette na baka nabiktima sya ng kawatang prostitute. Nabunutan siya ng tinik nang makita ang gamit nya sa gilid ng kama, kumpleto at walang nawawala.
Kasabay noon ang biglang pagpasok ni Biboy sa kuwarto. "Gising na pala si Miss na walang pangalan. Napahimbing ang tulog mo. Sorry ha, napagod yata kita ng husto."
Lumihis ng tingin si Anette. Hindi niya kayang tignan ang pilyong ngiti ng lalaki.
"Oh, shit!" Napalakas ang sigaw niya nang maalalang nakahubad pa siya. Hindi magkandaugaga ang babae kung paano tatakpan ang katawang naka-expose sa estrenghero.
"Ano pa bang itatago mo sa akin?" Natatawang pinulot ni Biboy isa-isa ang mga nakakalat na damit ni Anette. "Heto mga damit mo, magbihis ka na."
Pagkaabot sa damit ay agad-agad na tumakbo papasok ng banyo ang dalaga para doon magbihis. This is so embarrassing! Mas mabuti pa ngang iniwan nya na lang ako mag-isa. Haayyy!"
Nang makapagbihis na at makaipon ng lakas ng loob ay saka lumabas ng CR si Anette.
"Umorder na ako ng almusal mo. Malamang gutom na gutom ka na."
Na-touch si Anette. At least may lambing pa rin ang call boy, naisip ng dalaga.
"Ah, miss... May gusto lang sana ako linawin tungkol sa nangyari kagabi."
Napaisip si Anette. Tahimik itong nakinig habang umiinom ng maligamgam na kape para itulak sa lalamunan ang makunat na tapa sa bibig.
"Hindi mo sinabing virgin ka pala" Kaswal na sabi ni Biboy.
Nasamid ang dalaga.
"Kung sinabi mo lang, hindi na sana kita kinontrata. Ang mga virgin kasi clingy. Yun tipo bang nao-obssess sila sa mga nakauna sa kanila..."
Umirap ang dalaga habang pinupunasan ng tissue ang namantsahang palda. "Alam mo Biboy, wala kang dapat ipag-alala, dahil gaya mo, gusto ko na ring burahin sa memory ko yung nangyari kagabi, ok? Nagulat nga ako bakit nandito ka pa rin hanggang ngayon. You should have left me. I'm okay. Kaya ko ang sarili ko."
"Ok, ok... Naniniwala na ako na kaya mo ang sarili mo. Pero hindi talaga kita kayang iwan basta-basta."
Natigilan si Anette. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Hindi pwede. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na ayaw niya ng emotional attachment.
"Kasi miss, hindi mo pa ko nababayaran." Nakangiting paalala ng binata.
Namula si Anette. Ano bang tumakbo sa isip niya at may nalalaman pa siyang emotional attachment? Agad na dumukot ng limang libo sa pitaka ang dalaga at inabot iyon kay Biboy. "Ok na, you can go."
"Salamat, miss. Ingat ka sa life..." Nagpakawala pa ito ng flying kiss bago tuluyang lumabas ng silid.
Tumagal rin ng ilang minuto bago nag-sink in ang lahat kay Anette. She just paid a male hooker to devirginize her. If there's any consolation, at least hindi si Lawrence Ng ang nakauna sa kaniya.
Aktong palabas na ng inn si Anette nang pigilan siya ng receptionist. "Miss, magcheck-out na po kayo?"
"Yes, bakit?" Naiinis na tanong ni Anette. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon, and this person is delaying it.
"Kasi po hindi pa po nababayaran yung kwarto, pati yung mga inorder ninyo kagabi at kaninang umaga. Sabi ng kasama ninyo, kayo na daw po ang bahala mag-settle."
"Ha?!" Napakamot ng ulo si Anette. "Magkano ba?"
"Two thousand three hundred ninety po lahat."
"Ano?! Patingin nga ng breakdown. Bakit ganun kalaki?" Nang isa-isahin ni Anette ang charges ay nakita niyang sa kaniya pa pala pinabayad ang kuwarto na inupahan nila, bukod sa mga alak at mga pagkain na inorder nito.
Wala namang choice ang dalaga kundi bayaran ang bill. Nang tignan nito ang natitirang pera sa pitaka ay nanlumo sya. Two thousand four hundred na lang at dalawang pisong barya ang nasa loob.
"Miss, baka pwedeng kalahati muna ang bayaran ko? Wala kasi akong cash."
"Ay, hindi pwede" Masungit na sagot ng kahera, saka bumulong. "Pag labanan sa kama, ang galing. Pag bayaran na, biglang aatras. Sa susunod kasi magpigil ng kati kapag walang pambayad"
Nagpantig ang tenga ni Anette sa narinig. "Anong sabi mo, Miss?! Baka gusto mong ireklamo kita sa manager mo."
"Mabuti pa nga. Magsama na rin tayo ng barangay para sa kanila ka na rin magpaliwanag. Madami na kaming nakitang ganyang modus."
Gustong sabunutan ni Anette ang malditang kausap. Pabalagbag niyang inilapag ang natitirang pera sa counter. "Ayan! May nalalaman ka pang barangay dyan!"
"Magbabayad din pala, ang dami pang sinasabi. Ayan din ang sukli mo!"
Pagkakuha ng sampung pisong barya ay dali-daling lumabas si Anette. Nakahinga ng maluwag ang dalaga dahil sa wakas ay nakatakas na siya sa impiyernong motel.
Wala pa palang isang minuto ay bubulabugin na naman siya ng stress. Tumatawag sa cellphone ang diablong si Lawrence. Parang binuhusan ng yelo si Anette nang marealize na kasal nga pala niya ngayon. Tinignan nya ang relo, saka binilang ang mga natitira sa kaniya – thirty minutes para bumiyahe at twelve pesos na pamasahe. Makakarating ba siya sa Alfonso, Cavite nun?
"Where are you? You're supposed to be here already." Inaasahan na niya ang init ng ulo ng lalaki.
"Lawrence... May problema..."
"Ano yun? Sabihin mo agad!" Kahit ilayo ni Anette sa tenga ang cellphone ay rinig pa rin niya ang malakas na boses ng lalaki sa kabilang linya.
"N-nasa Malate ako ngayon. H-hindi ako makakarating. N-nadukutan kasi ako."
"What?! Anong ginagawa mo dyan?! Hindi bale, saka na natin pag-usapan. You have to be here in thirty minutes. Go to Peninsula Manila helipad now. I will ask Myla to arrange a helicopter ride for you."
"M-may isa pa kong problema"
"Ano na naman yan, for pete's sake?!"
"Wala akong dalang damit."
"Anette, just go to Peninsula now!"
Biglang naputol ang linya.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...