MAGDAMAG na inaapoy ng lagnat si LJ, kaya dinala agad ng mga magulang nito ang bata sa pinakamalapit na center ng bayan. Pero maski ang maliit na pagamutan ay nirekomendang dalhin na ang bata sa ospital.
Kailangang maglayag gamit ang bangka para makarating sa pinakamalapit na ospital sa Laoang, Samar. Kaya mabilis na naghanda sina Anette para sa kanilang biyahe, samantalang naghanap si Kiel ng mahihiram na bangka.
Habang naghihintay ay biglang nagkaroon ng komosyon malapit sa kanilang kubo. Laking gulat ni Anette nang makita ang isang chopper sa di kalayuan. Lalo siyang kinabahan nang marinig ang malakas na kabog sa pinto.
"Nasaan si LJ? Nasaan ang anak ko?" Tuloy-tuloy na nanghimasok si Lawrence sa loob ng kubo para kunin ang bata.
"Lawrence! Please!!" Pagmamakaawa ni Anette habang nakakapit sa braso ng asawa.
"Ano'ng nangyari sa anak ko?" Puno ng pag-aalalang sumbat ng lalaki nang makita ang batang inaapoy ng lagnat.
"Wag mong kunin si LJ!" Pagpigil ni Anette sa asawang nakalabas na ng bahay, tangan-tangan ang bata.
"Anette! LJ could be in critical condition right now. Pwede ba, mag-isip ka ng maayos! Sumama ka kung gusto mo, but I will take my son to the hospital right now!"
Nilinga ni Anette ang paligid, inisa-isa ang mangilan-ngilang mukha ng mga taong nakikiusyoso. Kagat-kagat ni Anette ang kanyang daliri, hindi malaman ang gagawin. Kiel, nasaan ka na ba?
"Let's go Anette! LJ is getting worse!" Muling paalala ni Lawrence.
Walang nagawa ang ina kundi ang sumakay sa naghihintay na chopper ni Lawrence.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...