"Please confirm my meeting with Philippine Cryonics Society. See also if you can book a representative from Alcor as resource speaker for the convention next month. Thank you." Pagkatapos makipagusap sa sekretarya ay binuksan naman ni Anette ang laptop niya. Kahit nasa backseat ng sinasakyang kotse ay balak pa rin nitong magtrabaho. Nasa kalagitnaan siya ng matinding traffic at ayaw niyang masayang ang oras niya.
Maya-maya ay kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Doc Eric. "Hello, Doc. Yes, good morning. Kamusta si Patient #5? I see. Please update me right after we get the results this afternoon. Thank you."
Binalikan ni Anette ang pag-check ng email nya sa laptop. Wala pang ilang minuto ay nag-ring ang cellphone nito. "Hi Candy. Yes, I got it. I finally decided on the property sa Samar. Yung tinignan ko sa Laoang. Yes. Sa Calomotan Beach. Ayusin mo na ang mga papeles. Oo, sa pangalan ko." Habang kausap nya ang real estate broker ay hindi sinasadyang napatingin si Anette sa rearview mirror.
Hindi nakaligtas kay Anette ang mga matang nagmamasid sa kaniya. Mula sa nasabing salamin ay sinisilip siya ni Kiel. At kahit pa nahuli na niya ang driver ay hindi pa rin tinatanggal ng lalaki ang mga mata nito sa pagkakatitig.
Those were familiar eyes. Hindi naiwasan ni Anette ang makaalala. He looked at me that way when we... Aarggh, Anette! Stop going back to that memory! Paninita ng babae sa sarili.
"Sorry, Candy. I'll call you again for further instructions." Tinapos agad ni Anette ang pakikipag-usap sa telepono at sinita ang driver. "Is there something wrong?"
"Wala po, boss" Kaswal na sagot ni Kiel. Binalik niya ang mata sa traffic.
"Hindi mo ba alam na unethical ang pakikinig sa conversation ng ibang tao, lalo na sa amo mo?"
"Hindi po ako nakikinig sa usapan ninyo."
"Talaga?" Umiling-iling si Anette. Hindi makapaniwala kung gaano kagaling magsinungaling ang kausap. "Hindi ka nakikinig? I saw it through that mirror!"
"Ibig sabihin ba Boss Anette, sinisilip ninyo ko?"
"Excuse me, ikaw ang nakatingin sa akin!"
"Pero kaya nyo po ako nakitang nakatingin sainyo, dahil tinitignan nyo rin ako."
Nanlaki ang mga mata ni Anette sa inis. "Unbelievable! At meron ka pang lakas ng loob magsabi sa akin ng ganyan?"
Ngumiti si Kiel. "Sorry po, boss."
"Stop smiling!" Sigaw ng amo habang matalim na nakatingin pa rin sa rearview mirror. "Nakakainis! Wala namang nakakatawa!"
"Sorry po" Pigil ang ngiting paghingi ng paumanhin ni Kiel.
Nanahimik ang paligid. Kahit pa magkunwari si Anette na abala sa binabasa nyang emails, ramdam niya ang tensyon sa loob ng kotse. Nag-utos ito. "Turn the radio on."
Sumunod naman si Kiel. Isang pamilyar na tugtog ang bumasag sa katahimikan ng sasakyan. Sa intro pa lang ng kantang 'The One You Love' ay nag-init na agad ang tenga ng babae.
"Patayin mo ang radyo." Madiin ang boses ni Anette, halatang nagpipigil ng panggigigil.
"Sabi mo kanina, buksan ko..."
"Sabi ko ngayon, patayin mo."
"Pero boss, paborito ko 'tong – "
"Patayin mo sabi!" Anette shouted at the top of her lungs.
Walang nagawa ang lalaki kundi sundin ang among galit na galit.
Napahawak si Anette sa ulo nya. Hindi sya sigurado kung ano ang mas nakakasakit ng sentido – ang traffic ba o ang kasama niya sa loob ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...