"MAY dengue po ang patient. Base sa mga lab tests ng bata, patuloy na bumababa ang platelet count nya. Kapag bumagsak ang count to 20,000 ay kailangan na niya ng blood transfusion." Pagbibigay impormasyon ng pediatrician sa mga magulang ni LJ.
"Gawin mo lahat ng makakaya mo, doc." Puno ng pag-aalalang sabi ni Lawrence.
"There is one major challenge, though. His blood type is very rare. AB negative. If any of you happen to be of the same blood type, you can have yourself checked if you are eligible for blood donation."
"Type A positive ang blood type ko." Tumingin si Anette sa asawa, umaasang nasa kaniya ang dugong kailangan ng anak.
"Pareho tayo ng blood type." Maigsing tugon ng asawa. Bumaling agad ito sa doktor. "Doc, wala bang available sa Blood Bank?"
"Like I said, his blood type is very rare."
"Wala na bang ibang paraan? Kung Type O? I heard universal ang Type O. Baka pwede yun, doc." Pangungulit ng lalaki.
"Pwede, for emergency cases. But it has risk factors. Kaya nga sinasabihan ko na kayo this early. Be prepared. Maiwan ko na muna kayo." Pagpapapaalam ng doktor.
Naiwang humahagulgol si Anette. Hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama kay LJ.
Nilapitan siya ni Lawrence at niyakap. "Don't worry, Anette. Our son will be alright."
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...