ISANG simpleng kasal ang gusto ni Lawrence. At iyon ang matinding pinagtatalunan ng mag-anak sa Board room ng SYNerGy Pharma.
"Magpapakasal ka na nga sa isang Pilipino, hindi ka pa susunod sa traditional Chinese wedding! Talaga bang binabastos mo ang lahi namin?" Sumbat ni Biatrice kay Lawrence. Pakiramdam ni Anette ay sinadya nitong magsalita ng Tagalog para iparinig sa kaniya ang pinag-aawayan. Bago kasi iyon ay halos kalahating oras nang nag-uusap sa Mandarin ang mag-anak na para bang wala siya sa kuwarto.
Pinanatili na lang ni Anette na nakatungo ang ulo nya habang tahimik na kinukutkot ang mga daliri sa kamay.
"Bi Zui!" Sigaw ni Lawrence. "Bu yao wuru wo de weihunfu!" Hindi na sya nakapagtimpi sa pang-iinsulto ng tiyahin sa mapapangasawa niya.
"Hundan!" Panlalait ni Biatrice. "Ni shi bushi jiating!" Pagtakwil nito sa pamangkin. Isang matalim na tingin ang binato ni Biatrice kay Anette bago tuluyang umalis ng board room.
"Anette is my fiancé and if any one has a problem with it, I don't care at all. You can leave this room. Better yet, leave the company." Mabigat ang mga salitang binitiwan ni Lawrence. Pinagtanggol man ng binata, hindi naiwasan ni Anette na makaramdam ng pagkaasiwa.
"Lawrence, you also have to understand that we have family traditions." Pagdepensa ni Angelo sa reaksyon ni Biatrice.
"Pilipino ako. Find a way to deal with it. At sa kasal ko, ako ang masusunod. Kunag ayaw nyo sa desisyon ko, wag kayong umattend."
"Sui ni" Sarkastikong bulong ng pinsan nitong si Jeffrey, anak ni Biatrice. "I can't stand this circus." Tumayo ang lalaki at naglakad palabas ng board room.
"Meeting is adjourned." Wika ni Lawrence. Hindi na nito hinintay pa na isa-isang magwalk out ang mga kamag-anak.
Nang silang dalawa na lang ni Lawrence ang naiwan sa kwarto ay naglakas loob si Anette na magsalita. "Lawrence... I can sense na gusto mo akong pakasalan hindi dahil sa mahal mo ako. Dahil ba sa negosyo? Ano bang nangyayari? I think I deserve to know."
"Ayoko sanang maningil ng utang na loob, Anette. But is four million for your dad's hospital bill, fifteen million for his cryonic preservation, four million for your Princeton education and three hundred million for your research project not enough para manahimik ka na lang and just do what I tell you to do?!"
Napayuko si Anette. Three hundred twenty-three million pesos. Pakiramdam ng dalaga ay tinumbasan siya ng pera ni Lawrence. Pero hindi nya magawang manumbat. Alam niyang wala syang karapatan dahil hindi rin naman niya kayang tubusin ang sarili sa pagkakabaon sa utang.
Hindi man makapagsalita ay pinahiwatig naman ng luha ni Anette ang saloobin.
Nag-abot ng panyo si Lawrence. "Wipe your tears. Ignorance is bliss." Matigas pa rin ang tono ng binata. "Isa lang ang kailangan kong mabigay mo sa akin as my wife."
Anette lifted her head and looked at Lawrence with questioning eyes.
"I need a son, Anette."
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...