Chapter 12

82 4 0
                                    

MAGKAIBA ang standard nila ni Lawrence. Iyon ang nadiskubre ni Anette habang pinagmamasdan ang aisle na lalakaran niya papunta sa altar. Nang sinabi ng lalaki na gusto niya ng simpleng kasalan, ang nasa isip niya ay may formalities lang na magaganap sa harap ng judge at limang witnesses. Kaya nga sa resthouse lang ni Lawrence gagawin ang seremonyas.

Gustong mainis ni Anette. Siya mismong bride ay walang kamalay-malay sa naganap na preparations para sa kasal niya. Pero paano pa ba siya mabubuwisit sa ganda ng view? Ang resthouse pala ni Lawrence ay may napakagandang garden, well landscaped at napakalawak. Guminhawa ang baga niya sa amoy ng mga bulaklak at preskong hangin na dala ng malamig na klima. Pagkababa rin niya mula sa chopper ay isang wedding coordinator ang naghihintay sa kaniya. May stylist na naghanda ng isusuot niya at professional artist na umasikaso ng hair and make up niya. Hinaplos ulit ni Anette ang suot. Simple man ang tabas ng gown, ramdam naman niya ang quality ng tela. An elegant wedding dress says it all. It's going to be a sophisticated garden wedding.

Nagsimulang lakarin ni Anette ang aisle. Rinig niya sa background ang pagtugtog ng violin habang naglalakad papuntang altar. Sa dulo ay kita niya ang isang gazebo na puno ng crystal drapings. Naroon si Judge Dela Cuesta, ang napiling officiating minister ni Lawrence na nakilala na niya bago pa man ang kasal.

Medyo naglikot ang puso si Anette nang makita si Lawrence na naghihintay sa kaniya. Nakasuot ito ng puting tuxedo. Maaliwalas ang ekspresyon sa mukha nito, bagay na lalong nagpaguwapo sa groom. Nakangiting inabot ni Lawrence ang kamay niya. Biglang bumalik sa memorya ni Anette ang Lawrence Ng na una niyang nakilala. Kung sana ay nanatili na lang siyang mabait, mapagbigay at gentleman sa paningin ng dalaga...

"I, Lawrence Ng, take Anette Costales as my lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part."

Gusto nang maniwala ni Anette na sincere si Lawrence sa mga binitawang salita. It seemed to be a perfect wedding. Only, she did not want it. Huminga ng malalim si Anette. This is it. This is just the beginning of my great sacrifice for you, daddy.

Napahanga si Anette sa kinang at ganda ng sinuot na wedding ring sa kaniya ng lalaki. Para sa kaniya, simbolo iyon ng karangyaan na matatamasa niya bilang Mrs. Ng.

Dahil dito, araw-araw kong maalala na magsumikap para makasama ka ulit sa buhay na ito, daddy. Para sa akin, ikaw lang ang lalaking tunay na magmamahal sa akin. Wala nang iba."

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon