KINABUKASAN ay nagmamadali si Anette papunta sa opisina ni Lawrence. Kailangan niyang makausap ang asawa. She has to know bakit ibang tao ang nagmaneho ng sasakyan niya. Ang sabi ng bagong tsuper, si Lawrence daw ang nag-hire sa kaniya as her new personal driver.
Wala si Myla sa pwesto niya kay nagawa ni Anette na pumasok ng tuloy-tuloy sa opisina ng asawa. Sa hallway pa lang ay sinalubong na siya ng mga nagsisigawang boses. Si Kiel ang kausap ni Lawrence.
"No way! Stay away from my son!" Sigaw ni Lawrence.
"Kahit pagbalibaligtarin ang mundo, ako ang ama nya! Kaya may karapatan ako sa kaniya! Ipaglalaban ko yun!"
Nanlaki ang mga mata ni Anette sa narinig. Sinong anak ang pinag-uusapan nila?
"What's happening here?" Tanong ni Anette na noon ay pinipigilang maging emosyonal. "May anak ka ba sa labas, Lawrence? Anong sinasabi ni Kiel?"
"Bakit ka nakapasok?... Myla! Myla!"
"Shut up, Lawrence! Tell me! Ano ito?! Ano ito?!" Nagsimula nang maghysterical ang babae.
Hindi nakapagsalita si Lawrence. Para siyang napipi sa mga tanong ng asawa.
"Anak ko si LJ" Si Kiel ang sumagot.
"Imposible yang sinasabi mo Kiel. Anak namin si LJ. I conceived him. I gave birth to him!" Anette pointed out in disbelief.
"Ako ang tatay ng batang iniluwal mo"
Napahawak si Anette sa bibig niya, nanginginig ang buong katawan. Tinitimbang nito ang posibilidad kung totoo ba ang sinasabi ng lalaki.
"Tama ka, Anette. Imposible talaga." Pagsegunda ng asawa. "Napaka-wild ng imagination ng taong yan, magkapera lang. Kaya layuan mo sya, Anette. Pineperahan lang niya tayo!"
"Hindi ko kelangan ng pera nyo. Ang gusto ko, ibigay ninyo sa akin si LJ!"
"Hindi mo kelangan ng pera? Kung hindi mo kailangan ng pera, bakit pati asawa ko, inaakit mo?" Nilabas ni Lawrence ang mga litrato nila Kiel at Anette. Galing iyon sa isang private investigator.
"Anong ibig sabihin nito, Lawrence?" Nagulantang ang babae habang isa-isang pinagmamasdan ang mga stolen shots sa kanila ni Kiel. Kuha iyon sa Ortigas at sa Tagaytay.
"I fired him this morning because of those pictures. Nung alam na niyang wala syang mahihita sayo, he's threatening me with those lies. Now he's using LJ!"
Hindi makapagsalita si Anette. Hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan. Pakiramdam niya ay bangungot ang lahat ng iyon o isa lang masamang biro.
Tinitigan niya si Kiel ng mata sa mata. "Ano'ng kailangan mo sa amin, Kiel?" Pinilit ni Anette na hindi pumiyok sa pagitan ng mga luha niya. How on earth did she fall for this guy?
Hindi nagsasalita si Kiel. Nakatitig lang sa kaniya ang binata. But she's too confused now to read what's in his eyes.
Tinignan ni Anette si Lawrence. Nakaupo na ito sa executive chair niya at nakasubsob ang mukha sa dalawang palad.
"Walang gustong magsabi ng totoo? Pwes, magsama kayong dalawa sa impyerno!" Tumakbo si Anette palabas ng opisina ng asawa.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...