KUMATOK si Anette sa pinto ng hotel room ni Lawrence. Alas dos na ng madaling araw, pero halatang gising pa ang binata dahil mabilis nitong napagbuksan ang dalaga.
"Ano'ng problema?" Bungad ni Lawrence.
"Marami. But it's not why I'm here..."
Buong araw na nagkulong si Anette sa hotel pagkatapos bumisita sa daddy niya, pero pakiramdam niya ay hindi pa rin siya nakapagpahinga. Nasi-stress siya sa pressure na binibigay ni Lawrence.
Ibang-iba ang first impression ni Anette sa binata na nakilala niya two years ago. Ilang buwan nang bedridden noon ang daddy niya sa sakit na stage 4 lung cancer. Wala ni isang kamag-anak ang nakapag-extend ng financial support sa kanila. Sa angkan nila, si Engr. Costales na ang pinaka maykaya sa buhay. Umabot na sa apat na milyong piso ang unpaid bill nila sa ospital. Nalimas na lahat ng bank account ng ama at nabenta na rin ang kotse, alahas at mga mamahaling gadget nila, pambayad sa naunang hospitalization at mga gamot nito. Wala ring financial resources ang dalaga. She just graduated from college and still jobless.
Naisip noon ni Anette na humingi na ng tulong online. Nagregister siya sa Go Fund Me. Isa iyong fundraising website kung saan nya nilahad ang kalagayan nilang mag-ama at kung magkano pa ang pagkakautang nila sa ospital. Sa loob ng limang araw ay nakaipon ng halos fifteen thousand si Anette mula sa mga donasyon, malayo pa sa apat na milyong pagkakautang nila. Pero hindi iyon ang ikinadurog ng puso ng dalaga.
Isang araw ay tinapat na sya ng kanilang doktor. Hindi na raw magtatagal ang buhay ng ama. Iyon na yata ang pinakanakakatakot na sandali sa buhay ni Anette. Just the thought of losing her father breaks her. Sa puntong iyon, kahit anong bagay na magbibigay pag-asa ay kakapitan niya. Doon natuklasan ni Anette ang cryonic preservation.
Binago ni Anette ang kanyang appeal sa Go Fund Me. Humingi sya ng tulong para makapangalap ng sapat na pondo para sa proseso ng cryonic preservation. Labinlimang milyong piso ang kailangan para magawa ito.
Hindi nagpaawat si Anette, kahit na marami ang nagsasabing wala na siya sa katinuan. Sino daw ba ang nasa tamang pag-iisip na magbabayad ng labinlimang milyon para lang mailibing sa yelo ang isang bangkay? Awa ng Diyos, dumating si Lawrence sa buhay nilang mag-ama.
Naalala pa ni Anette nang una siyang nakarating sa opisina ng SYNerGy Pharma. Pinatawag siya noon ng may-ari.
"G-good morning Mr. Ng." Magalang na bati ni Anette, puno ng pag-aalinlangan sa sarili.
"Nakita ko ang post mo sa Go Fund Me, Anette. Gusto kitang tulungan."
"Mahal na mahal ko po ang daddy ko. Hindi ko po alam kung mabubuhay pa ko pag nawala siya."
"Anong balak mong gawin pagkatapos ng preservation ng katawan nya?"
"Hahanap po ako ng gamot sa cancer so I can bring him back to life. I want to see him healthy and active, just like before."
Anette was so sure na nakitaan niya ng genuine concern and empathy si Lawrence nang mga sandaling iyon.
"Ok, Ms. Costales. My assistant will do some arrangements with Alcor, the best cryonics organization in the US. I can also offer to include you in our Research and Development Division para ma-expose ka sa medical world."
Lawrence Ng was heaven sent. Or so she thought.
"Ms. Costales? Nakatulog ka na ba ng nakadilat?" Lawrence said impatiently. Binalik si Anette ng sarkastikong boses ni Lawrence sa kasalukuyang mundo. "Ano'ng kailangan mo at inabala mo ako ng ganitong oras?"
Muling bumalik ang pagkamuhi ni Anette sa binata, kaya nagsalita na agad ito bago pa man magbago ang isip nya. "Gusto ko lang sabihin sayo... Yes, I will marry you, Mr. Lawrence Ng."
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...