KITANG-KITA ni Anette mula sa bintana kung paano inabot kay Kiel ng isang dalaga ang isang plastic habang nagtatawanan. Pinilit niyang makiusyoso, pero masyadong malayo ang mga ito para marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Nakaramdam ng pagkainis si Anette. Wow ha. Ang saya-saya nila. Hanggang sa liblib na lugar nakuha pa talagang lumandi ng lalaking to?!
Maya-maya pa ay kumakatok na ang binata sa pinto. Ayaw sana niya itong pagbuksan pero wala siyang magawa. Natutulog si LJ at ayaw niyang maistorbo ang bata.
"Ano yan?" Tanong ni Anette, halata ang pagkainis.
"Ah, wala ito. Mga bagong labang damit ko. Nasan si LJ?"
Lalong umasim ang mukha ni Anette. Aba, at pinaglaba ka pa pala ng babae mo. Grabe ka talaga sa pambobola, Michael Jackson!
Nahalata agad ng binata na bad mood ang kausap. "May nangyari ba?" Pag-aalala ni Kiel.
Umirap si Anette. Hindi na niya naitago ang sama ng loob. "Pati ba naman dito nambababae ka?" Padabog na umupo si Anette sa balkonahe.
Kumunot ang noo ni Kiel. "Ano ba yang sinasabi mo? Wala akong babae dito."
"Magdedeny ka pa? Yan na nga ang ebidensya" Sabay turo sa plastic ng mga damit na hawak ng lalaki.
"Ito?" Litong tanong ni Kiel. "Hindi ko maintindihan..."
"Ang sweet, pinaglalaba ka pa talaga ng chicks mo"
Pinilit ng binata na unawain ang sinasabi ng kausap. "Si Pinang ba? Yung kausap ko kanina?"
"Eh di umamin ka rin!" Tumayo si Anette, aktong papasok sa loob ng bahay.
Hinawakan ni Kiel ang braso ng babae, habang pinipigilan rin ang sarili na matawa. "Nagseselos ka ba?"
"Ang kapal mo rin, no? Bakit naman ako magseselos?"
"Bakit ka nagagalit kay Pinang? Natural ipaglalaba niya ko. Trabaho niya yun eh."
"Ha?"
"Kilala siyang labandera dito. Itong mga damit ko na nilabhan niya, bayad ito. Singkwenta pesos. Walang halong malisya."
"T-totoo ba yang sinasabi mo?"
"Yung pagbayad ko ng singkwenta? Oo naman. Pero yung malisya..." Numisi si Kiel bago lalong nang-asar. "Ako walang malisya, pero sa kanya hindi ko sigurado..."
"Nakakainis ka!" Tinulak ni Anette si Kiel. Gusto niyang pumasok sa loob ng bahay. O kaya ay kainin ng buhangin, o anurin ng alon. Basta gusto niyang tumakas sa nakakahiyang sitwasyong iyon.
Pero mukhang hindi siya makakawala. Kinulong siya ni Kiel sa makikisig niyang braso. "Dito ka lang... Dito lang tayo... Sa lugar kung saan simple ang lahat... Wag kang aalis, boss."
Dinama ni Anette ang mahigpit na yakap ng lalaki. Hindi niya maipaliwanag kung paanong biglang napawi ang inis na nararamdaman niya kanina.
"Just call me Anette." Pikit matang gumanti ng yakap ang babae. "Dito sa lugar na ito, hindi mo ako amo..."
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...