"CONGRATULATIONS. You're now a mom." Bulong ni Lawrence kay Anette na noon pa lang nagkamalay. "Ang gwapo nya. Nakuha nya ang mata mo at ilong."
Ngumiti ang bagong panganak na si Anette. "Gusto ko syang makita."
"Nandito na po si baby LJ" Masayang bati ng papasok na nurse, karga ang sanggol. "Itatabi ko po sainyo, mommy."
"Baby LJ?" Kumunot ang noo ni Anette. "Lawrence, hindi pa ako pumapayag na gawin mo syang junior. He should have his own identity."
"He is my son. He can't have any other identity than being Lawrence Jr."
Umirap ang babae as her silent protest. Higit sa pangalan, lalong ayaw ni Anette na mamana ng anak ang pagiging control freak ng asawa.
"Kailan ka nga ba hindi nasunod?" Pagtatampo ng bagong ina. "Di ba, LJ? Si daddy na lang lagi ang bida. Dapat ikaw naman." Pakikipag-usap nito sa sanggol.
Natawa si Lawrence sa pagpaparinig ni Anette. "Let me take a picture." Imbes na pagtalunan ay binalewala na lang niya ang reklamo ng asawa.
Anette smiled not only for the camera. Pakiramdam nya ay may dalang kakaibang saya ang kargang sanggol sa bisig niya.
"Akin na po, kukunan ko kayo ng family picture" Pagpepresenta ng nurse.
Family picture. Family... Family... Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Anette. Hindi siya makapaniwala. Isa na silang pamilya.
Tinabihan ni Lawrence ang mag-ina niya at nakangiting ikinulong ang mga ito sa braso niya.
"One, two, three... Smile! Ang ganda ng kuha ninyo. Happy family!"
Matapos magpa-breast feed ay kinuha na ng nurse si Baby LJ para ibalik sa nursery. Maya-maya ay may nilabas na kahon si Lawrence. Inabot niya iyon sa asawa.
"For you."
"Ano ito?" Binuksan ni Anette ang maliit na kahon at nilabas ang isang kuwentas na may locket.
"Gift for you. Thank you for bearing my child."
Nasa loob ng hugis pusong pendant ay ang litrato niya at ni LJ. "Ganun kabilis? Nakapagpa-develop ka agad ng picture naming ni LJ?"
"You know the things that I can do." Pagyayabang ng bagong tatay. "That's his first picture ever taken, kanina sa delivery room pagkatapos niyang malinisan."
Kinuha ni Lawrence ang kuwintas sa kamay ni Anette at marahang sinuot sa asawa. "Keep it near your heart."
"Thank you."
"No, Anette. Thank you."
Naudlot ang pagtatama ng mga paningin nila Anette at Lawrence nang biglang mag-ring ang cellphone ng lalaki.
"Hello, Celine?" Ang kaninang masayang mukha nito ay biglang napalitan ng bagsik. "What?!" Nagmamadaling lumabas ng silid si Lawrence habang kausap ang kaibigang doktor.
Naiwan si Anette na puno ng pag-aalala.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...