Chapter 23

53 3 0
                                    

MASAMA ang pakiramdam ni Anette kaya tinanghali sya ng gising. Nauna nang nakaalis si Lawrence papuntang opisina. Sinabihan na sya nito na magpahinga, pero wala siyang balak magstay sa bahay dahil may nakschedule na Board meeting sa hapon. She felt that she needs to prove herself. Lawrence has been a very good President and CEO. Ayaw niyang mapahiya sa libo-libong empleyado na umaasang mapapantayan niya ang galing ng asawa.

Bago umalis ay narinig niya ang masayang hagikgik ni LJ sa garden. Ayaw na sana niyang lapitan ang anak dahil baka mahawa sa nakaambang pagkakasakit niya. Naisip na lang niyang silipin ang anak.

Aba, ang aga-agang landian naman nito. Iyon ang insiyal na reaksyon ng babae nang makitang masayang nagkikipaglaro ang driver, kasama ang yaya ni LJ. Sandali pa niyang pinanood ang pakikipag-peek-a-boo ni Kiel sa anak niya, habang ang yaya ay halakhak din ng halakhak.

"Tessa!" Tawag ni Anette sa yaya. "Ipasok mo na si LJ, baka kabagan."

Sumunod si Tessa sa amo. Pero habang abala sa pagpapaalam si Anette kay LJ, pasimpleng nilingon ng yaya si Kiel. "Text na lang" Bulong pa nito.

Napairap si Anette sa nakita at padabog na lumabas papuntang garahe. Mabilis namang sumunod ang driver. Tuloy-tuloy ang amo, hindi na hinintay pa ang tsuper na pagbuksan siya ng pinto.

Si Kiel naman ay maagap sa pagkilos. Pinilt niyang unahan ang babae para buksan ang pinto ng kotse, pero nahuli ito ng kaunti. Imbis na car door handle ang nahawakan ay sa kamay ni Anette naglanding ang palad ni Kiel.

Nakaramdam ng biglang daloy ng kuryente ang babae kaya napatingin siya sa binata. Pero hindi ito nakapagsalita para sitahin ang lalaki.

"Ako na, boss." Wika ni Kiel.

Inalis agad ni Anette ang kamay sa handle nang marealize na hawak pa rin ni Kiel ang kamay niya. Nainis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nagawang magprotesta.

"Sa opisina tayo boss?" Masayang tanong ni Kiel. Wala itong kamalay-malay sa namumuong asar ng amo sa kaniya.

"Hindi ba binigay ni Karen sayo ang schedule ko?" Puno ng pagsusungit ang boses ni Anette.

"Binigay naman po." Pagtatanggol ng binata sa sekretarya ni Anette. "Naninigurado lang." Napalitan ng pagkunot ng noo ang kaninang ngiti sa mukha ni Kiel. Kunwari na lang siyang bumulong sa sarili. "May S siguro."

"Ano'ng sabi mo?" Maasim na tanong ng amo.

"Wala po."

"May sinabi ka. Ano'ng may S?"

"Uhm. S po..." Sandaling nag-alangan si Kiel. "Sumpong. Ang aga-aga kasi ang init agad ng ulo mo."

Malandi ka kasi. Sa isip-isip na tugon ni Anette.

"Ano yang libro sa tabi mo?" Pag-uusisa ng babae nang mapansin ang isang libro sa tabi ng binata. Kilala niya ang akdang iyon ni Marvin Cooper. Ang 'Cryonics and Cryopreservation: Waiting for the Future'. Isa yun sa mga nakaimpluwensiya sa kanyang maniwala sa siyensya.

"Ah, ito po ba? Pinahiram sa akin yan ni Ms. Pia. Binabasa ko habang walang ginagawa. Minsan kasi ang tagal ng meeting mo, naiinip ako."

"Lahat na lang. Sino pa bang babae ang hindi mo pa ka-close?"

"May problema po ba?" Lalong lumalim ang kunot sa noo ng binata.

Isa-isang binilang ni Anette sa isip ang mga chicks ni Kiel. May Kathy, Dianne, Lisa o Jessa. May Myla at Celine. Ngayon naman pati si Pia.

"Wala akong problema. Ayoko lang na habang driver kita, suma-sideline ka pa rin as..." Natigilan ang babae. All of a sudden, she cannot refer to Kiel as a call boy. Pakiramdam niya ay nasasaktan siya kapag naiisip niyang nasa prostitution pa rin ang binata.

Kahit hindi natapos ni Anette ang pagsasalita ay alam niyang naintindihan ni Kiel ang ibig sabihin. Naghintay si Anette ng sagot. Umasa siyang sasabihin ng lalaki na iniwan na niya ang dating trabaho. O kung hindi man sana ay magdeny ito. Pero nanatiling tikom ang bibig ng binata.

Pinagsawalang-bahala ni Anette ang naramdamang kirot sa dibdib, ganun din ang mga namuong luha sa mata. Pinagpalagay na lang niyang sintomas iyon ng nakaamba niyang pagkakasakit.

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon