Chapter 17

66 5 0
                                    

PININDOT ni Kiel ang down button ng elevator.

"What are you up to?" Matalim ang boses ni Anette. Inabangan talaga niya ang lalaki. Gusto niya itong makausap ng masinsinan.

"Wag mo akong Inglisin. Nakapag-aral ako ng college. Marketing. Isang sem na nga lang sana, ga-graduate na ako."

"I don't need to hear your life story!" Anette crossed her arms to show her fury. "Ano'ng sinabi mo sa asawa ko?!"

Ngumiting nang-aasar si Kiel. "Madami po kaming napag-usapan ng asawa ninyo, Boss Anette. Alin po ba doon ang gusto ninyong malaman?"

Napahawak ng mahigpit ang babae sa cellphone nya, tinitimpi ang sarili na masampal ang kaharap. "Bakit ka ba nanggugulo?"

"Hindi kita maintindihan, Madam."

"You know very well what I'm talking about. Ano bang kailangan mo?"

Bumukas ang pinto ng elevator. Sumakay si Kiel, walang pakialam kung maiwan ang nanggagalaiting kausap. Sumunod si Anette, walang balak pakawalan ang lalaki nang hindi nakukuha ang gusto.

"As far as I can remember, ikaw ang may atraso sa akin. Two years later, ikaw pa itong biglang susulpot at may ganang manggulo ng buhay?!" Bumalik ulit sa alaala ni Anette kung paano nalimas ang laman ng pitaka niya noon mismong araw ng kasal niya.

Huminto ang elevator sa 12th floor kung saan may sumakay na mga empleyado.

"Good afternoon, Ma'am Anette" Bati ng mga ito.

Pinilit ng babae na umakto ng natural. "Good afternoon."

"Ano po yung sinasabi ninyo, Madam?" Nakangising wika ni Kiel. "Nandun na po kayo sa parteng nangyari two years ago. Naalala nyo pa po pala? Akala ko nakalimutan nyo na."

Namula si Anette, pero hindi na ito kumibo. Ayaw niyang maagaw ang atensyon ng mga empleyadong nakasakay sa elevator.

Pagkalapag sa ground floor ay hindi pa rin nilubayan ni Anette si Kiel.

"Biboy!" Pagtawag nito.

Tuloy-tuloy lang sa paglakad si Kiel, na parang walang naririnig.

"Biboy!" Sinundan ni Anette ang binata hanggang paglabas ng building.

"Biboy!!!" Halos mapaos ang babae kakasigaw sa pangalan ng hinahabol.

"Kiel!" Muling pagtawag ni Anette.

Sa wakas ay tumigil sa paglalakad si Kiel. Wala nang pakialam si Anette kung saan siya nakarating kahahabol. Hindi niya tatantanan ang lalaking ito!

"Kung hindi ka ba naman oportunista! Niloko mo ko! Pati pangalan mo, peke. Hindi ka naman pala si Biboy!"

"Biboy ang pangalan ko sa kalye ng Malate. Biboy, as in Baby Boy. Masaya na po ba kayo, Madam? Tapos na po ba ang job interview? Pasado na po ba ako?"

"Hindi kita magiging driver. Gusto kong maging malinaw sayo yan."

"Pero narinig nyo naman po si Boss Lawrence kanina"

"Hindi mo ba naiintindihan na ang awkward?"

"Baka po sainyo lang. Ayos lang naman po sa akin" Pormang relaxed ang tayo ni Kiel. Pinasok pa nito ang kamay sa magkabilang bulsa ng suot na maong pants.

"How dare you?" Nawalan na ng pasensya si Anette na makipag-usap sa lalaki. "Ok, para mapabilis lang tayo. Magkano ba? Magkano ba ang kailangan mo para lang hindi ko na makita yang pagmumukha mo?"

Tinignan ni Kiel si Anette mula ulo hanggang paa na ikinaasiwa ng babae. Pakiramdam niya ay na-violate sya ng mga titig na iyon, pero pinigilan niya ang sarili na makipagbangayan pa sa lalaki.

"Hhmm...May isa akong gusto." Hinimas-himas ni Kiel ang baba niya. "Pero tingin ko, hindi mo naman kayang ibigay." Dugtong nito. "Kaya kung ako sainyo, boss... Shut up na lang ako"

Naglakad palayo si Kiel ng may angas. Iniwan nitong tulala si Anette.    

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon