PUMASOK si Lawrence sa kuwarto ni LJ. Pinanood nito ang batang mahimbing na natutulog, ang batang itinurin niyang tunay na anak. Tanggap niyang hindi galing sa dugo at laman niya ang bata. Pero buo ang pagmamahal niya dito.
Nang malaman niyang baog siya ay pinakiusap niya kay Celine na itago iyon kay Anette. Mahal na mahal niya ang asawa, at isang masayang pamilya ang pinangarap niya para rito.
Unang beses pa lang niyang nakita si Anette ay espesyal na ito sa kaniya. Tuwing titignan niya ang mga mata ng babae ay nakikita niya ang sarili, na para bang siya at si Anette ay iisa. Nakita niyang pareho silang gagawin ang lahat, matupad lang ang sinumpang tungkulin para sa magulang.
Lumaking puno ng pagmamahal si Lawrence. Hindi alam ng nakararami na ampon lang siya ng mag-asawang Ng. Hindi naman iyon nilihim sa kaniya ng mga kinikilalang magulang. Sa kabila ng tunay na estado niya, lubos siyang minahal ng mga ito. Iisa lang ang hiling ng mag-asawa sa kaniya. Ang ituloy ang pangalan nila at panatilihin ang tinatag na negosyo sa loob ng kanilang pamilya.
Si LJ ang nagbigay sa kaniya ng pag-asang matupad niya ang personal na misyon sa buhay. Iyon lang ang naisip niyang paraan para masuklian ang pagmamahal at pagaaruga ng mag-asawang Ng sa kaniya.
Sina Anette at LJ ang buhay niya. Handang protektahan ni Lawrence ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay niya, lalo na laban sa taong gustong umangkin sa mga ito.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...