Chapter 25

57 2 0
                                    

IT USED to be her most favorite day in the world. But since her father passed away, it became the gloomiest. Nasa biyahe si Anette galing sa isang convention sa Batangas nang dalawin siya ng pagiging sentimental.

Daddy, I miss you again. I miss you everyday. But most specially today. Happy birthday. Nagbirthday ka na naman, pero hindi pa rin kita nababalik. I'm sorry, daddy. I'm so sorry.

"Boss, napansin ko kanina ka pa malungkot" Tanong ni Kiel.

"Ok lang ako. Na-stress lang masyado."

Dahil sa bihirang mangyari na sumagot ang amo sa pag-uusisa niya ay nagkaron ng lakas ng loob si Kiel na magyaya. "Tanggalin natin yang stress mo boss. Tamang-tama, gusto ko sanang magcelebrate ngayon."

"Celebrate?"

Ngumiti si Kiel. "Birthday kasi ni Ate Donna."

"Talaga? Sabay pala sila ng birthday ni Daddy. Ang galing naman!" Rinig sa boses ni Anette ang pagkamangha. "Saan tayo magse-celebrate? Susunduin ba natin siya?"

"Magbi-birthday si ate sa Heaven, kasama ng mga angels at ni Papa Jesus. Pero tayo...Hhmm, saan kaya pwede?"

"What?! You mean she's...?"

"Mahigit isang taon na rin. Nagka-kumplikasyon sa cerebral palsy niya."

"I'm sorry." Anette felt guilty na ni hindi niya nakamusta ang kapatid ni Kiel ni minsan. Hindi tuloy niya nalaman ang nangyari dito.

"Sigurado akong gusto ni ate at ng daddy mo na icelebrate natin ang buhay na nilagi nila dito sa mundo, hindi yung nagmumukmok tayo. Kaya magparty-party tayo. Treat ko!"

On the way pabalik ng Maynila ay nadaanan nila ang Station 15 Bar sa Tagaytay. Doon nila naisipang magdinner at uminom ng kaunti. Pinili ni Kiel na umupo sa tabi ni Anette kaysa umupo sa harapan niya. Wala namang reklamo ang babae.

Pagka-order ng drinks at makakain ay nagyayang sumayaw si Kiel. "Tara sa dance floor"

"Hindi ako sumasayaw." Tanggi ni Anette.

"Weh? Di ba sinayawan mo nga ako dati?"

"Sa dance floor" Depensa agad ni Anette.

"Pero nakita kita. Nakita ko kayo ni Boss Lawrence na sumayaw noong anniversary, tapos sasabihin mo sa akin na di ka sumasayaw sa dance floor?"

"Si Lawrence yun. What he wants, he gets."

"Sa bagay, sino ba ko? Ano bang panama ko sa asawa mo?" Tinungga agad ni Kiel ang bote ng beer na ilalapag pa lang sana ng waiter sa mesa nila.

Natawa si Anette. "Ang drama..."

Sabay na natawa ang dalawa. That made them more comfortable with each other's company.

"May tatanong sana ko sayo." Alangang wika ni Anette. "Do you still do... yung ano... yung..." Dahil nahihiyang may makarinig ay binulong ni Anette kay Kiel ang naputol na sasabihin "Yung escort service?"

"Bakit, kukunin mo ko ulit?" Ganting bulong naman ng binata "Para sayo, babalik ako sa trabahong yun" Biro nito, sabay halakhak.

Hindi napigilan ng babae na mangiti. She felt relieved.

Pagkatapos matawa ay sinagot ni Kiel ng seryoso ang amo. "Tinigil ko na yun nung nawala si ate. Wala na ring dahilan para gawin yun. Nabubuhay naman ako ng marangal sa sweldo ko ngayon."

"Bakit ka ba kasi napadpad dun? Nasan ang mga parents ninyo?"

"Si Tatay nabaril nung bata pa ko. Hindi uso ang hustisya sa squatters area kaya hindi na namin inalam kung anong nangyari. Si Nanay naman, na-inlove."

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon