PASADO alas-diyes na ng gabi nang lumabas si Anette ng kanilang office building. Naabutan niya si Kiel sa lobby na naghihintay habang may kausap sa cellphone.
Mabilis namang nagpaalam ang driver sa kabilang linya nang mapansin ang amo na paparating. Pero nahagip pa rin ng pandinig ni Anette ang pakikipag-usap nito.
"O sige, sige. Ba-bye na. Inga ka. Miss you."
Sigurado si Anette na hindi si Donna ang kausap ng binata. Napaisip ito. Pero agad ding sinantabi ng amo ang pagiging mausisa.
"Boss!" Masayang salubong ni Kiel. Kinuha niya ang laptop bag ng amo. "Ilang gabi na kayong ganitong oras umuuwi, ah. Nagtataka lang ako, ikaw ba ang nakaschedule na magsara ng building at kailangan ikaw lagi ang huling tao dito?"
Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Anette pasakay sa kotse nya. Wala syang pakialam sa nakasunod na si Kiel.
"Hindi ka ba napapagod, boss?" Patuloy sa pakikipag-usap nito sa amo, habang sinusuot ang seatbelt niya.
"Bakit, ikaw pagod na? Pwede ka namang magpahinga." Mataray na tugon ni Anette.
Napakamot ng ulo ang lalaki. "Concern lang po."
Biglang tumaas ang kilay ang babae.
"Ibig ko pong sabihin, ilang buwan pa lang si LJ. Hindi ba dapat naka-focus ka sa kaniya, kesa trabaho ka ng trabaho? Ano pa bang hinahabol mo? Sa yaman ni Boss Lawrence, hindi naman siguro kayo mauubusan ng pera kung mag-aalaga ka ng – "
"Pwede ba, Kiel?! Andami mong sinasabi!" Hindi na nakatiis si Anette sa kadaldalan ng kausap. "Isa pa, wag mo nga akong turuan kung paano ko palalakihin ang anak ko! Hindi ko hinihingi ang opinion mo, so just shut up, ok?!"
Sa rearview mirror na naman nagtama ang mga paningin nila Anette at Kiel. They stared at each other like no one is willing to submit. Sa oras na yun, desidido ang amo na ilagay ang driver niya sa posisyon nito. Pero mula sa matalim na pagkakatitig, unti-unting napalitan ng pag-aalinlangan ang ekspresyon sa mukha ng babae. Instead of mockery or disrespect, Anette thought she saw concern in Kiel's eyes.
"Ano pa'ng hinihintay mo?" She surrendered. "Gusto ko nang umuwi"
Sinandal ng babae ang likuran nya sa malambot na leather seat saka pumikit. Pilit niyang binubura sa isip ang memorya ng mga titig ni Kiel.
Hindi naging ugali ni Anette ang tumingin ng mata sa mata. Pakiramdam niya ay nagkakaroon siya ng koneksyon sa taong nakakatamaan niya ng tingin. Alam niya na habang nakikita niya ang emosyon ng kausap, ay nababasa rin ng kaharap ang nararamdaman niya. Ayaw ni Anette ng ganung kalalim na komunikasyon.
Habang nakikipagtalo si Anette sa sariling emosyon ay bigla siyang ginulat ng malakas na ringtone ng cellphone ni Kiel.
"Hello, Kathy?" Nakapikit man ay rinig ni Anette ang boses ng binata. "Busy ako ngayon. Pero kapag may oras, hindi lang kita tatawagan. Pupuntahan pa kita. Oo naman, nami-miss kita. Pwede bang hindi? O sige na, nagmamaneho ako."
Ah, so Kathy pala ang pangalan ng kausap niya kanina. Naglalaro sa isip ni Anette kung sino ba ang Kathy na iyon sa buhay ng driver niya.
Ilang sandali pa ay nagring ulit ang telepono ni Kiel. "Hello? O, Dianne! Ikaw pala. Sorry, hindi ko nga alam bakit hindi nagregister pangalan mo. May sira na yata tong cellphone ko. Talaga? Hindi nga? Teka... tatawagan kita mamaya pag-uwi ko galing trabaho. Oo, promise yan... Bye."
Ibang babae? Dianne naman ngayon? Pagtataka ni Anette. Bumuntong hininga siya para ibalik ang utak sa pamamahinga at wag nang pakialaman ang personal affairs ng driver.
Nang tumunog uli ang cellphone ni Kiel ay hindi na nakatiis si Anette. "Please, I want to rest." Mahinahong saway ni Anette, pero halata ang inis sa boses niya. "Kanina pa may tawag ng tawag sa cellphone mo, naiistorbo ako"
"Pasensya na boss, ang kukulit kasi... Pero message lang po ito, hindi call."
"I don't care kung call or text yan ng kung sino-sinong babae" Napahinto sandali sa pagsasalita si Anette. "Come to think of it, I don't even know kung babae nga ba lahat yang tumatawag sayo or what..."
"Teka, hindi ako pumapatol sa bakla."
"Bakit defensive ka?" Nagsimulang tumaas ang boses ni Anette.
"Judgemental ka kasi"
"I am not judging you. Pero ano pa bang iisipin ko? May Kathy ka, may Dianne. At ang kukulit! May mga babae bang ganyan?"
"Akala ko ba, hindi magandang asal ang nakikinig sa usapan ng ibang tao?"
Natigilan si Anette. Buti na lang nakatalikod ang kausap at madilim ang paligid kaya hindi halata ang pagakyat ng dugo sa mukha niya. Nakuha pa niyang mangatuwiran. "Excuse me, I am not eavesdropping. Ang lakas na nga ng ring tone mo, ang lakas pa ng boses mo. Paanong hindi ko – "
Naputol ang pagsasalita ni Anette nang bigla na namang tumunog ang cellphone ni Kiel. Hindi pini-pick up ng binata ang tawag, dahilan para lalong marindi ang amo sa malakas na ringtone nito.
Kinuha ni Anette ang Bluetooth headset sa bag nya saka inabot sa driver. "Yan! Gamitin mo, utang na loob. At least ikaw lang ang makakarinig ng nakakabuwisit mong ring tone."
"Hindi ko na kelangan nyan, boss." Tanggi ni Kiel.
"Hindi mo kailangan, pero ako oo. Ayokong marinig ang ringtone mong nakakapeste sa eardrum. Higit sa lahat, ayokong may hawak kang cellphone habang pinagda-drive ako."
"Ok. Chill lang po. Naiintindihan ko na." Tinanggap ni Kiel ang headset. "Akin na ba ito o pahiram lang? Mukhang mamahalin."
"Just use it"
Sinuot agad ni Kiel ang headset sa tenga para hindi na mapagalitan ng amo. "Ayos ah. Ang astig. Lakas maka-body guard. Pang-espiya lang ang dating."
Hindi na pinansin ni Anette ang mga side comments ng binata. Sinubukan na lang niyang bumalik sa pagpapahinga. Everyday with Kiel is a real struggle for her.
"Uh, h-hello?" Napairap si Anette nang marinig niyang may kausap na naman ang lalaki sa kabilang linya.
"Si Ma'am? Kasama ko po, natutulog. Mukhang napagod ng husto..."
Nanlaki ang mga mata ni Anette. Nang marealize na naka-pair pa rin sa cellphone niya ang Bluetooth headset ay agad niyang chineck ang telepono. Kausap ni Kiel si Lawrence!
"Anlakas ng sigaw kanina. Tantya ko, mula backseat hanggang labas ng kotse, rinig." Pakikipagkwentuhan pa ng ng driver.
"Akin na nga yan, tanggalin mo!" Nagsimulang mag-panic si Anette habang kinukuha ang headset sa tenga ni Kiel.
"Teka, teka Boss Anette... Wag! Nakikiliti ako!" Sabay hagikhik ni Kiel.
Hindi malaman ng babae kung uunahin ba niyang hablutin ang headset o tatakpan ang bibig ng driver.
"Just give it to me, you jerk!" Mabilis na sinuot ni Anette ang headset nang matanggal iyon sa tenga ng binata.
"Alam mo namang may kiliti ako sa tenga, di ba?" Pagpapaliwanag ni Kiel.
Pinandilatan ni Anette ang lalaki para manahimik. "H-hello L-lawrence!" Nauutal na bati niya sa asawa. "Hindi. Will you listen to me first? Well it's not my fault that this person is a jerk! This is your idea, kaya wag kang magalit sakin. I already told you... ok, fine! Bye."
Tinanggal ni Anette ang headset sa tenga niya. "Baichi!" Tawag nito kay Kiel, ang ibig sabihin ay 'tanga' sa salitang Mandarin. Madalas niyang marinig ang auntie-in-law na si Beatrice na magsabi noon kapag may pinapagalitang empleyado.
"Ano'ng sabi mo, boss?"
"Wala. Bilisan mo na, gusto ko nang makauwi." Mariing utos ng amo. I can't wait to get out of this freakin' car and get away from you, asshole! Dugtong ni Anette sa utak nya. Pagod na syang makipagtalo, lalo na pakiramdam niya ay hindi naman siya mananalo.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...