"IT'S NICE to find you here" Nilapitan ni Lawrence ang asawa na noon ay abala sa pagpipinta. "Looks like everything is going back to normal."
Inangat ni Anette ang paningin niya. "It's about to be normal, Lawrence."
Napangiti ang lalaki sa narinig. "Are you also going back to work?"
Isang linggo nang nagpapagaling si LJ matapos madischarge sa ospital. Halos isang buwan na ring hindi pumapasok si Anette sa opisina, kaya si Lawrence muna ang pansamantalang tumayo bilang President & CEO. Kahit naka-file ng indefinite leave si Anette, inaasam pa rin ng asawa na makabalik na sa opisina ang babae.
Bumuntong hininga si Anette. "Mukhang wala ka talagang balak humingi ng tawad sa ginawa mo sa akin, ano?"
"Anette..."
"Anette what?!" Nagsimulang tumaas ang boses ng babae. "Pagkatapos ng panloloko mo, you expect that I will just shrug everything off? Ha! Even this marriage is absurd!"
"You don't know what you're saying"
Tumayo si Anette sa inuupuan niya at hinarap si Lawrence. "Bakit? Ikaw na naman ang tama? Ikaw na naman ang may alam? Ikaw na! Oo sige, ikaw na!" Hinagis nito ang hawak na paintbrush. "I want an annulment! That's the only time everything will go back to normal!"
"Look at you, throwing tantrums like a kid! Hindi mo ba naisip na makakaapekto ang desisyon mo sa anak natin?"
"Natin? Hindi mo sya anak!"
"Yes, he is!" Mariing pagdepensa ni Lawrence. "Bakit ka nagpupumilit na makipaghiwalay sa akin? Dahil ba magsasama kayo ni Kiel?!"
"Oo! Oo! Magsasama kaming masaya at nagmamahalan. Kami ang tunay na pamilya ni LJ! And just so you know, never mo siyang nahigitan. He's my first kiss, my first sexual encounter, my first love! And you? You were never even on my list!"
Umakyat ang dugo sa ulo ni Lawrence dahil sa narinig. Hinawakan niya ng mahigpit sa magkabilang braso si Anette. "Wala akong pakialam kung ano ang naging papel ng hayop na yun sa buhay mo. Wala siya sa kalingkingan ng kaya kong ibigay sayo. What about your dad? Paano tutustusan ng kabit mo ang cancer treatment research para sa daddy mo?"
Hindi nagsalita si Anette. Sa halip, nagsimulang pumatak ang luha nito.
Binitiwan ni Lawrence ang umiiyak na asawa, pero patuloy siyang nagsalita. "You're being selfish again, Anette. Iniisip mo lang kung ano ang magpapasaya sa'yo. Like how you forced your dad to sign a consent form for Alcor kahit ayaw niyang magpa-cryopreserve. Pinilit mo sya for your own peace. Now you're doing it again. Iniintindi mo lang ang nararamdaman mo, pero hindi ang ikakabuti ni LJ."
Nakatungo pa rin ang babae, pero humihikbi na ito.
"Put yourself back together, Anette. We will go back to normal." Utos ni Lawrence bago lumabas ng silid.
BINABASA MO ANG
101 Ways to Love Anette
RomanceLumaki si Anette na ang daddy lang niya ang nakagisnang magulang, kung kaya handa niyang gawin ang lahat ng makakaya para mapanatili sa piling ang ama. Kahit pa ang magpakasal sa aroganteng si Lawrence Ng, kapalit ng three hundred million cancer tre...