Chapter 3

108 5 3
                                    

TATLONG araw pa lang ang nakalipas nang tanggihan ni Anette ang proposal ni Lawrence ay pinatawag uli siya ng binata. Wala namang pinagbago sa itsura ng opisina, pero pakiramdam ni Anette ay sumikip ang silid.

"Ms. Costales, I just want you to know na hindi ako tumatanggap ng rejection." Mas mababa ang boses ni Lawrence kaysa normal. It sounded intimidating.

Ang dating paghanga at respeto ni Anette sa lalaki ay unti-unting inuubos ng pagkadismaya. Nevertheless, she remained polite. "Pasensiya na po, Mr. Ng. Sana ay naiintindihan ninyo ang desisyon ko."

"I don't take no for an answer. I negotiate." Matalim ang mga titig ni Lawrence, kaya mas pinili ni Anette na ituon ang paningin sa sariling palad. Humigpit ang pagkakakapit ng mga nanginginig niyang mga kamay sa isa't isa.

"Sir...buo na po ang desisyon ko."

Parang bingi si Lawrence sa pagtanggi ng dalaga. "Gusto mo bang puntahan ang daddy mo, Ms. Costales?"

Nanlaki ang mga mata ni Anette sa narinig.

"We can book a flight to Arizona tomorrow if you say yes."

Nanatiling nakatulala si Anette, hindi alam kung ano ang isasagot sa kausap.

Nagpatuloy si Lawrence. "Dalawang taon mo nang hindi nakikita ang daddy mo, hindi ba? Ayaw mo ba syang kamustahin?"

Ilang beses nang binalak ni Anette na bisitahin ang ama. Pero kahit na noong nasa Amerika siya, hindi niya pa rin ito nagawang puntahan. She can't afford to leave New Jersey. Nakadepende lang sya sa allowance na binibigay ng foundation para makapag-aral at mabuhay ng sapat sa Amerika. Hindi naman siya makakuha ng kahit part-time job dahil labag iyon sa kontratang pinirmahan niya sa SYNerGy Pharma as its scholar.

How dare you, Lawrence Ng! This is emotional blackmail! Sumisigaw si Anette sa isip niya. Nagwawala ang dibdib niya sa galit. Ginagamit ni Lawrence ang kahinaan niya. She wanted to cry, but she will not give this monster the pleasure of seeing her falter.

"You know what? Ayoko rin ng mahabang diskusyon." Sabi ni Lawrence. Inangat niya ang teleponong nakapatong sa mesa at nagdial. "Myla, book a flight for me and Ms. Costales to Arizona. Yes, tomorrow. Advise Alcor that we will visit Engr. Armando Costales."

"S-sandali! Hindi pa ako ---"

"Mahaba pa ang byahe natin bukas papuntang US. Use the time to think things over and reconsider my proposal. You can go now." Pautos na sabi ni Lawrence sa tulirong si Anette.

101 Ways to Love AnetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon