Hi! Ako nga pala si Zoe Katrice Dela Cruz. May bestfriend ako, si Jacob Xander Rivera.Since elementary kilala na namin ang isa't isa. Same school mula elementary hanggang ngaung nasa college na kami.
Lagi kaming magkasama, hindi ako pinapayagang lumabas ni mama kung hindi Si Xander ang kasama. Kampante sila kasi parang anak na ang turing nila sakanya.
Lahat ng problema ko alam 'nya at lahat ng ginawa at secrets ko sinasabi ko sakanya.
.
.
.
.
.
Pero nagbago ang lahat simula nung minahal ko na 'sya.Dun ako nagsimulang magtago ng sikreto at nararamdaman sakanya.
At dun din ako nagsimulang umiwas sakanya.
..............................................................
XANDER'S POV
Maaga akong gumising para pumasok sa school.
Marami kasi kaming tatapusin sa group project.
Bakit kaya di nanaman ako tinext ni Zoe. Kaasar talaga yun. Tawagan ko na nga lang para alam ko kung susunduin ko ba 'sya.
"Bestfriend , ano?! Susunduin ba kita?!"
"Xander , wag na. Sasabay nalang ako kay kuya."
"Sige. Ingat. See you later."
Binabaan nanaman ako ng telepono ng lokong 'yun.
Hay bahala na nga 'sya.
7:30 am
Maaga pa at konti palang ang pumasok. Nakita kong nakaupo Si Zoe sa bench malapit sa canteen.
Lumapit ako sakanya.. Almost 1 month na kasi 'syang di sumasabay sakin kahit sa pag-uwi.
"Uy Zoe, nauna ka pa sakin ah"
"Maaga kasi si kuya e."
"Busy ka ba? Tara, nuod tayo ng sine mamaya after class."
"Sayang, may lakad kami ni mama mamaya, sasamahan ko 'sya."
"Ok Zoe next time nalang. Dapat di ka na busy ah."
"Sige next time. Alis na ako may klase na ako."
Naglakad na 'sya papunta sa classroom. Loko 'yun nagpapamiss ata sakin ah.
ZOE'S POV
Kapag nanjan 'sya nagiging weird naman na ang kilos ko.
Sana naman di 'sya magkahalata sakin.
Hay, sana di nalang ako nadevelop sakanya. Ang sweet naman kasi 'nya. Kasalanan 'nya 'to e.
Naupo ako sa bandang likod ng classroom, naroon na rin yung ibang mga kaklase ko.
Nag-iisip......
Nag-iisip......
Hay, maloloka ako. Dapat di ko 'sya iiwasan baka lalo akong masaktan.
............
Natapos ang maghapong klase ni Zoe.
Nasa parking lot 'sya ng school at hinihintay ang kuya 'nya.
ZOE'S POV
Sa kahit anong iwas ko di parin makaiwas. Nakikita ko parin 'sya.
"Hoy Zoe!"
Nagulat ako dahil napansin pa 'nya ako.
"Oh, tapos na rin klase mo?"
"Oo e, tara hatid na kita"
"Hinihintay ko Si kuya e. Mauna ka na."
"Nakausap ko Si kuya kanina, Sabi 'nya hanapin daw kita kasi busy 'sya dahil may tatapusin sila"
"Ganun, bakit di 'nya sinabi sakin kanina?!" Hay ang loko naman ng kuya ko."
"Tara na bestfriend , sakay na. Parang di mo naman ako namimiss e."
Wala na akong nagawa kundi sumakay nalang sa kotse ng bestfriend ko.
Okay narin 'to para di 'nya pansin na iniiwasan ko 'sya.
"Zoe, alam mo miss na kita."
Kunyari wala akong narinig. Di 'nya lang alam miss na miss ko narin 'sya. Di rin 'nya alam na inlove ako sakanya at mahal ko 'sya.
Sumagot ako pero sa isip ko lang..
"Mahal kita, Bestfriend..""Uy Zoe!!!! Sabi ko miss na kita..."
"Ah, oo miss narin kita kaso busy ako kaya pasensya ka na ha."
"Ayos lang, basta may utang ka sakin na manuod tayo ng sine ha."
"O sige. Utang ko un sayo Xander ."
Nakarating na kami sa bahay.
Bumaba na ako sa kotse."Ingat sa pagmamaneho ah!"
Hinintay ko muna 'syang makaalis bago ako pumasok sa gate.
Hay, ang harap ng ganito. Sana di nalang ako nailove sa bestfriend ko.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?