Mahal kita, Bestfriend (29)

170 6 0
                                    


XANDER'S POV

5 araw nang nasa Zambales Si Zoe. Pakiramdam ko 5 taon nang nandun 'sya.

Sobrang namimiss ko na 'sya. Mababaliw na ako kapag talaga pang 'di ko 'sya makita.

Araw araw tinatawagan at tinitext ki 'sya kaso walang sagot at reply.

Nasa kwarto ako at kumatok Si mama para kausapin ako.

"Anak, kamusta ka?"

"Hindi ako okay ma, namimiss ko 'sya."

"Anak kung mahal talaga ninyo ang isa't isa kayo parin 'nyan sa huli."

"Sana nga po ma, hoping ako na umuwi na 'sya."

"Oo nga pala, bukas na ang dating ng ng parent's 'nya."

"Ma, baka magalit sila sakin? Kasalanan ko po kasi. Tinago ko na mahal ko 'sya. Kung nun ko pa yun inamin 'di kami aabot sa ganito."
Di ko napigilang umiyak sa harap ni mama.

"Tama na anak, Puntahan mo Si Liam kamustahin mo kung magpapasundo ba Si Zoe."

"Sige po ma. Magbibihis lang po ako."


..............

Pagka'alis ni Xander ay nag'uusap ang mama at papa 'nya. Nasa garden sila.

"Parating na Si Zoe ngayon. Tinawagan ko yung tita nya sa Zambales. Di lang 'sya nagpasundo kay Xander at Liam."

"Mabuti naman, sobrang affected ang anak natin sa pag'alis 'nya."

"Mahal na mahal talaga 'nya Si Zoe. Kaya sana makapag'usap sila mamaya. Dahil alam naman natin na nagmamahalan sila"

"Yung engagement ba tuloy pa ba sa sabado?"

"Oo sa birthday ni Zoe. Dun sa resort gaganapin."

"Alam na ba ni Xander ang tungkol sa engagement nila?"

"Hindi pa, surprise nalang natin yun sakanila."

..........

Engagement?!

Oo plano yung ng parent's nina Xander at Zoe.

..............

XANDER'S POV

Iniwan ko sina mama at papa na nag'uusap sa garden.

Nagmadali akong umalis at pumunta ako kila Zoe.

Dumiretsyo ako sa loob.

Isa lang ang nasa isip ko. Sana nandito na Si Zoe. Sobrang miss ko 'sya. Gustong gusto ko na 'syang makita.

Si kuya Liam nasa sofa nakaupo.

"Kuya sabi ni mama darating na raw sila tito at tita bukas."

"Oo Xander, bukas na nga."

"Paano yan? Si Zoe wala pa kuya?"

Biglang tumunog yung door bell.

"Xander ikaw na magbukas nung gate."

"Sige kuya"

Pagbukas ko ng gate.....

Biglang tumulo yung luha ko, Si Zoe nasa harap ko. At nakatingin 'lang 'sya sakin.

Di ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko 'sya ng mahigpit.

"Zoe, wag mo na akong iiwan ha? Di ko kakayanin." Bulong ko sakanya.

Hindi 'sya nagsalita. Hindi nanaman 'sya sumagot. Pero niyakap rin 'nya ako.

"Zoe, mahal na mahal kita. Maniwala ka naman sakin. Please!"

"Xander, pwede ba tayong mag'usap?!"

"Sige, pasok muna tayo. Mainit dito sa labas."




[Author's Note ]

Thank you for reading :)

other works:

*Itinakda ng Tadhana

*Love at First Kiss

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon