ZOE'S POVDi ako makapaniwala, bakit ako hinalikan ni Xander?
Ano bang ibig sabihin nun?! Mahal din ba 'nya ako.
Dumarating ako sa bahay. Hinatid naman 'nya ako kaso 'di ko 'sya pinansin, 'di ko 'sya binigyan ng chance magpaliwanag. Natatakot ako sa mga sasabihin 'nya. Magiging masaya ba ako dahil hinalikan 'nya ako? Di ko alam. Ano ba ang gagawin ko.
Nasa garden Si kuya nung dumating ako. Di ko na 'sya pinansin. Mamaya nalang kapag umakyat na 'sya. Alam ko namang kakausapin 'nya kung anong nangyari ngayon araw na 'to.
Nakaupo ako sa gilid ng kama ako at nakasandal sa side table nito.
"Bakit kailangan pa naming umabot sa ganito? Mali na halikan 'nya ako kung may mahal 'syang iba. Mali rin dahil bestfriend 'nya ako."
Yumuko ako at nag'iisip.........
.
.
.
.
"Zoe Katrice, masasaktan ka lang. 'wag kang padadala sa halikan 'nya! Magbestfriend lang kayo!"Sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya, pumasok sa kwarto ko Si kuya.
"Oh, anong nangyari sayo?!"
"Wala kuya"
"Zoe, tell me. Nag-away ba kayo?!"
"No kuya,"
"Ano pala?"
"He kissed me"
"Ano? Bakit daw 'nya ginawa yun?"
"I don't know. Nabigla nalang ako, bigla nalang 'nya akong hinalikan."
"Nag'explain ba 'sya sayo?"
"Di ko na alam ang gagawin ko kuya, gusto 'nyang mag'explain pero 'di ko na pinakinggan."
"Dapat nakinig ka sakanya Zoe."
"Kuya natatakot kasi ako."
"Saan? Sabihin mo."
"ang sabi 'nya sakin dati may mahal na 'sya. At ako bestfriend lang. Ayokong marinig sakanya na nagawa 'nya akong halikan dahil di 'nya sinasadya at di dahil mahal 'nya ako kuya."
"Magtapat ka nga sakin, mahal mo ba Si Xander?"
Yumuko ako at di ko alam kung amin ba ako kay kuya.
"Tell me Zoe, mahal mo ba Si Xander?"
"Yes kuya, di alam kung kailan pero mahal ko 'sya. Pero bestfriend lang tingin 'nya sakin. At 'di ko yun maamin,sakanya dahil ayokong masira,ang pagkakaibigan naming dalawa. Ayokong iwasan 'nya ako kapag nalaman 'nyang mahal ko 'sya.
Niyakap ako ni kuya.
"Ok lang yan. Basta pag'isipan mong mabuti kung aaminin mo sakanya na mahal mo 'sya. Kung 'di ka man 'nya mahal o bestfriend lang talaga ang tingin 'nya sayo. Tanggapin mo lang. Tandaan mo mas mahal ka namin ni mama at papa huh?!"
"Salamat kuya...."
At umiyak na ako habang yakap ko ng mahigpit Si kuya.XANDER'S POV
Di ko sinasadyang gawin yung sakanya. Sadyang 'di ko lang Natigilan ang sarili ko na mahalikan 'sya.
Nakaupo ako sa terrace ng kwarto ko at nakatingin sa kawalan. Iniisip ko kang yung nangyari kanina.
"Bakit kaya di 'nya ako pinakinggan? Galit kaya 'sya sa paghalik ko sakanya? Di ko manlang nasabi sakanya na mahal na mahal ko 'sya. Paano na kung umiwas nanaman 'sya?
Di ko alam gagawin ko. Pero kailangang mag'usap kami.
Tawagan ko nga Si kuya Liam. Malamang alam na 'nya ang nangyari.
"Hello kuya Liam!"
"Oh Xander, bakit?"
"Sorry kasi nagawa ko 'yun sa kapatid mo."
"Di ka dapat sakin magpaliwanag, mag'usap kayo. Kausapin mo 'sya."
"Sige kuya, daanan ko nalang 'sya 'dyan bukas."
"Ok sige."
At naputol na ang usapan namin ni kuya Liam.
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?