Mahal kita, Bestfriend (31)

158 7 0
                                    


...............

Makikita sa mata nina Xander at Zoe na masaya sila.

Pagkarating sa bahay nila ay wala pa Si Liam.

Naupo nalang sila sa sofa. At syempre di mapaghiwalay. Magkatabi talaga silang nag'uusap. Talagang Namiss nila ang isa't isa.

"Xander, yung sinabi mo kina tito at tita. Totoo ba yun?"

"Ah, oo naman. Pakakasal tayo after graduation. Ayoko na kasing mawala ka pa sakin e. Ayaw mo ba?"

"Gusto syempre. Mahal na mahal kita e."

"Alam mo Zoe, thankful ako kasi ang bait ni kuya Liam. Never 'syang nagalit sakin lalo na nung umalis ka."

"Mabait talaga Si kuya, Xander. Sana nga magka'girlfriend na 'sya e."

Maya'maya ay dumating na Si Liam. Nasa sala parin sina Xander at Zoe.

"Kuya andito ka na pala, kumain ka na ba?"

"Hindi pa, kain nalang tayo sa labas." singit ni Xander.

"Sige. Magbibihis lang ako. San ba tayo kakain?"

"Sa resort nalang kuya Liam. Tawagan ko sila dun para magreserve ng cottage satin. At magready ng pagkain."

"Ayos yan, buti nalang walang pasok bukas. Pwede tayong nagtagal dun."

After 30 minutes bumaba na si Liam.

"Kuya! Ang tagal mo ah!"

"Ay excited ang kapatid ko ah!"

"Haha, syempre naman ka'date ko ngayon yung dalawang lalaki na mahalaga sa buhay ko e."

"Bawi ka sa kasweetan ngayon Zoe ah, kaya ka ganyan."

"Oo nga kuya e. Sweet talaga 'nya ngayon."

"Ay oh! Simulan nanaman ninyong mang'asar sakin. Hmp!"
Sabay lang na tumawa ang dalawa.

"Aba!! Pagtawanan pa ako!"

At nagpunta na sila sa resort. Kotse ni Xander ang ginamit. Sa likod muna naupo sa Zoe. Si Liam ang nasa harap.

"Xander, maganda nga dito sa resort. Kelan pa 'to nagbukas?"

"Last month lang kuya."

"Ito pala yung sinasabi ni mama na resort."

Kumain na ang tatlo. Marami silang napagkwentuhan. Kasama na dun yung pag'aasar nina Xander at Liam kay Zoe.

Di nila namalayan ang oras. 11:30 na pala ng gabi. Delikado na kung uuwi pa sila. Dun na sila nag'stay sa resort. Buti nalang at may mga rooms pa,ba available.

"Zoe, dito ka sa room na 'to. Kami ni kuya Liam dito sa kabila."

"Zoe, magpahinga ka na 'dyan. Maaga pa tayong uuwi bukas dahil darating sila mama at papa."

"Ok kuya, goodnight!"

"Goodnight din Zoe."
Nauna nang pumasok si Liam sa kwarto. Naiwan pa Si Xander kay Zoe.

"Pasok na mahal ko,"

"Ha?!"

"Sabi ko pasok na mahal ko. Yun na ang itatawag natin sa isa't isa simula ngayon."

"Ah, ok. Goodnight mahal ko! Bukas nalang. Matulog narin kayo ni kuya ah."

"Goodnight din mahal ko."
Hinalikan ni Xander Si Zoe sa labi.






[Author's Note ]

Thank you for reading :)

On-going stories:

*Itinakda ng Tadhana
*Love at First Kiss

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon