Mahal kita, Bestfriend (5)

252 9 0
                                    

Hindi sumabay Si Zoe sa kuya 'nya para pumasok. Masyado kasing maaga, tanghali pa kasi ang klase 'nya.

Malapit lang ang bahay nina Xander sa bahay nila kaya dati talagang sabay sila pumapasok.






"ZOE'S POV"

"Ma, papasok na po ako."

"Sige anak, mag'ingat ka!"

"Opo ma, sige po"

Nagulat ako dahil paglabas ko ng gate nandun 'yung kotse ni Xander.

"Anong ginawa mo dito?"

"Sinusundo ang bestfriend ko. Ano pa nga ba diba?!"

Ngumiti lang ako sakanya.

"Zoe, sakay na bilisan mo nga ang bagal mo pa e."

Wala na akong nagawa kundi sumakay nalang sa kotse 'nya.

"Oo na alam kong bestfriend lang ang tingin mo sakin, 'wag mo na ipamukha please lang. Nasasaktan ako e." Sabi ko sa isip ko habang tahimik na nakatingin sa Bintang ng kotse.

"Zoe, layo ng tingin mo ah."

"Hindi naman, inaantok lang kasi ako e."

"Samahan mo ako mamaya ha, may bibilhin ako sa mall."

"Busy ako e. Next time nalang Xander."

"Hay samahan mo na ako, sige ka magtatampo na talaga ako sayo 'nyan"

"Sige na nga. Oo na sasamahan na kita. Ayokong magtampo sakin ang bestfriend ko."

Ngiti lang ang isinagot 'nya sakin.

"Zoe, mamaya nalang ha."

"Sige Xander, mamaya nalang hintayin kita sa parking lot."

Naglakad na ako papunta sa



..............

Pumayag Si Zoe na sumama kay Xander. Wala na rin kasi 'syang magagawa pa.

Lumabas ang maghapon at nauna na Si Xander sa parking lot ng school nila.




XANDER'S POV

Sa wakas tapos na ang klase ko.

Habang naglalakad ay napadaan ako sa classroom nila Zoe. Kaya naupo nalang sa sa tapat nun sa bench sa ilalim ng puno

Mga 30 minutes siguro akong naghihintay sakanya bago natapos ang klase 'nya.

"Zoe , tara na." Nakangiting yaya ko sakanya.

"Sabi ko sayo sa parking lot mo nalang ako hintayin e."

"O bakit, anong masama? Dati naman dito na kita hinihintay e."

"Kasi nga................ Wala, tara na nga."

Naglakad na kami papuntang parking lot.

"Zoe, matagal din tayong 'di namasyal ano?! Almost 1 month na ata."

"Ah oo, busy kasi e."

"Alam mo ba feeling ko iniiwasan mo ako e."

"Uy hindi ah, di sana di kita sasamahan ngaun"

"Huh? E bakit kahapon, Sabi mo sasamahan mo Si tita."

"Hayst. Si kuya nanaman nagsabi nun sayo ano?!"

"Kita mo, akala ko ba bestfriend mo ako?! Bakit ka nagsisinungaling at umiiwas sakin?"

"Hay, hindi naman sa ganun."

"Ano pala?"

"Wala....."

"Anong wala?!"

"Wala nga ang kulit mo!"

"Ikaw talaga may tinatago ka sakin noh?!"

"Wala nga , tara na nga alis na tayo."



[Author's Note]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon