Mahal kita, Bestfriend (19)

178 7 0
                                    


Dinala ni Xander Si Zoe sa isang resort.

"Wow, ang ganda naman dito Xander. Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?"

"Kakadiscover ko lang sa resort na to Zoe. Ang ganda diba?"

"Ah ok, sino na dinala mo dito?!"

"Ikaw pa lang..."

"Talaga lang Xander ah, dapat dalhin mo dito 'yung sinasabi mong mahal mo. Kung sino mam 'sya."

"Hoy, ikaw isip bata ka talaga. Napakabitter mo pa!"

"Di ako bitter."

"Oh, affected kasi masyado sa mahal ko e."

"Uy!!!! Hindi ah. Bestfriend kasi kita kaya gusto ko 'sya makilala."

"Nagseselos ka?!"

"Ay, ang kapal naman ng lalaking 'to."

"Joke lang, sarap mong asarin Zoe. Hahah"

"Dyan naman kayo magaling ni kuya e. Ang asarin ako."

"Sorry na, ikaw naman. Tara na nga pasok na tayo."

At pumasok ang dalawa sa loob ng resort. Maraming taong nagpunta dahil weekend ngayon.

"Zoe, dito tayo maupo. Hintayin na natin mag'sunset dito."

"Sige, ikaw bahala Xander. Maganda dito. Balik tayo dito ah. Pero gusto ko kasama sina kuya Liam."

"Sure, nextime kasama natin sila. Para may kasama akong mang'aasar sayo."

"Ay oh, talagang pinagkakaisahan ninyo ako e." Sabay hampas nito kay Xander.

"Aray naman! Ang bigat ng kamay mo ah."

"Kasi ikaw e." at nakasimangot na sagot ni Zoe sakanya.

"Zoe, paano kung hindi tayo naging Magbestfriend?"

"Ha?" Halatang nagulat Si Zoe sa tanong ng kaibigan.

"Sabi ko, paano kung 'di tayo naging magbestfriend?"

"Ah, 'di ko alam. Siguro kung hindi magkakilala parent's natin malamang talagang 'di tayo nagkakilala."

"Bakit mo naman nagtanong?"

"Ah, wala lang naisip ko lang paano kung....." Natigilan Si Xander sa pagsasalita.

"Paano kung ano????...."

"Ah wala"

"Ano nga?"

"Wala nga ang kulit mo ah!"

"Hay, ano nga? Pinuputol mo kasi sinasabi mo e."
.
.
.
Hindi ba sumagot Si Xander.
.
.
.
Bigla nalang ' nyang hinawakan ang kamay ni Zoe at saka nito hinalikan sa labi.

Nagulat si Zoe, 'di 'nya alam ang gagawin.

Itinulak nalang niya Si Xander. Di 'sya nakapagsalita kaya tumayo siya at tumakbo palayo kay Xander.

"Zoe!!!!!" sigaw niya at kaagad itong sumunod sakanya.

Dumiretsyo sa kotse Si Zoe. 'di 'nya malaman kung ako ang gagawin. Isa lang ang nasa isip 'nya. "Bakit?"

"Zoe, let me explain. Please!."

Hindi 'sya sumagot.

Hinawakan ni Xander ang mga braso 'nya.

"Mag'usap tayo. I'm sorry. Di ko sinasadya."

"wag mo akong hawakan. Please. Mali ito... Ihatid mo na ako."

Walang nagawa Si Xander kundi Ihatid pauwi Si Zoe sa kanila.

Tahimik
.
.
.
.
Hanggang sa makarating sila sa bahay nila.

"Zoe,.... Kausapin mo ako."

Parang wala 'syang narinig at bumaba nalang agad agad sa kotse ng kaibigan.


[Author's Note ]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon