Mahal kita, Bestfriend (11)

184 7 0
                                    

..................

Mataas ang lagnat ni Xander.

"Xander ang taas ng lagnat mo. Halika maupo ka muna dito."

wika ni Zoe na mukhang nag'aalala.

"Ayos lang ako. Tara uwi na tayo. Ihahatid muna kita."

"Hindi na, sasamahan kita sa bahay 'nyo Xander. Itetext ko nalang si mama."

"Wag na kaya ko naman wag kang mag-alala sakin."

"Ako ang masusunod ngayon Xander. Sasamahan kita sa bahay 'nyo. Kaya mo pa bang magdrive or magtataxi nalang tayo Xnder?."

"Oo kaya ko. Sige tara na pala."

Inalalayan ni Zoe si Xander hanggang sa makarating sila sa parking lot kung saan naroon ang kotse 'nya."

"Xander, mamaya na tayo umuwe. Umidlip ka muna 'dyan."

"Teka san ka pupunta? 'wag mo akong iwan dito mag-isa."

Hinawakan ni Xander ang kamay ni Zoe.

"Ibibili lang muna kita ng gamot. Sandali lang ako, babalik rin ako kaagad Xander."

"Sige sandali ka lang ha."

Umalis na si Zoe para bumili ng gamot sa labas malapit sa school nila.

Tulog si Xander nung nakabalik na si Zoe sa parking lot. Nasa loob 'sya ng kotse 'nya.

"Xander, gising inumin mo itong gamot."

Ininom ni Xander ang biniling gamot ni Zoe.

"Matulog ka muna saglit dito sa kotse Xander. Sasamahan kita. Dito lang ako sa tabi mo. Mamaya na tayo umuwi."

"Sige Zoe, kung marunong ka lang Sayang magdrive e."

"Hay, nakuha mo pa akong biruin ng ganyan Xander may nilalagnat ka na nga."

"Tuturuan kitang magdrive sa weekend Zoe. Para matuto ka naman."

"Oo na, matulog ka na muna pala 'dyan"

"Zoe, yung kamay mo."

"Bakit?"

"Hawakan ko, para di ka umalis sa tabi ko."
Inabot naman ni Zoe ang kamay 'nya. At agad naman nakatulog si Xander.

Mga 1 oras na nagbantay Si Zoe kay Xander. Bago ito nagising.

"Ayos ka na ba?"
Lumapit si Zoe kay Xander para hawakan ang noo 'nya. Sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Okay na ako, salamat ha. Tara uwi na tayo."

"Sige. Pero dun na tayo dumiretsyo sa bahay 'nyo Xander. Tinext ko na Si kuya, dadaanan nalang 'nya ako pagka'uwe 'nya."

"Sige. Kaya mahal na mahal kita Zoe e. Kapag may sakit ako di ka umaalis sa tabi ko."

Nagulat si Zoe sa sinabi ni Xander.
Dahilan na 'di 'sya kaagad nakapagsalita.

"Xander, anong sabi mo?"

"Ah, wala.... Sabi ko mahal kita kasi bestfriend kita Zoe."

"Ah ok,"

Nakauwi sila sa bahay nila Xander. Wala dun ang mama 'nya. Wala rin 'syang kapatid.

"Buti nalang sumama ako, wala pala Sina tito at tita dito."

"Busy kasi sila ngayon sa business nila kaya mamaya pa sila uuwi. Tara akyat tayo sa kwarto ko."




[Author's Note]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon