Nagising Si Xander di 'nya namalayan na umaga na pala. Sa kotse na 'sya nakatulog.Nagmadali 'syamg umakyat para maligo at magbihis. Kailangan 'nyang puntahan Si Zoe.
"Kailangan kong makausap Si Zoe ngayon. Kailangan masabi ko sakanya na mahal ko 'sya."
Pagkagising ay nagpaalam 'sya sa mama 'nya nasa busy maganda ng almusal.
"Ma, Puntahan ko muna Si Zoe. Kailangan namin mag-usap."
"Bakit anak, nag'away ba kayo?"
"Mamaya ko na po sasabihin mam."
Sa bahay nila Zoe ay diretsyo na 'syang pumasok.
"Ang aga mo Xander?! Aklat ni Zoe yan Ah."
"Oo kuya ito yung nawawalang aklat nya nakita ko sa kotse ko."
"Kailangan naming mag'usap ngayon. Nabasa ko yung sulat 'nya dito sa aklat."
"Mataas ang lagnat 'nya Xander. Magdamag na nakalock yung kwarto 'nya.Pero kanina kinuha ko duplicate key kaya ko nabasa. Nag'aalala kasi ako, buti nalang dumating ka.
"Kasalanan ko 'to."
"Di mo naman ginusto ito. Xander, ikaw muna ang bahala sakanya ha. Exam kasi namin ngayon kaya di ako pwedeng umabsent."
"Sige kuya, babantayan ko 'sya"
Umalis na si Liam at umakyat naman Si Xander sa kwarto ni Zoe.
Sobrang taas ng lagnat 'nya. Na nakuha 'nya sa sobrang pag'iisip.
Hinawakan 'nya ang noo ni Zoe. Sobrang init. Kaya nanguha 'sya ng batang towel para ilagay sa noo 'nya.
"Zoe, palaging ka. Marami akong gustong sabihin sayo. Mahal na mahal kita. Dito lang ako di kita iiwan." Bulong 'nya habang hawak 'nya ang kamay ni Zoe at habang titignan ay di 'nya maliwanag tumulo ang luha 'nya.
Bumaba muna saglit Si Xander para kumuha ng mainit na sabaw na ginawa ng kuya Liam 'nya at gamot para ipakain at ipainom kay Zoe pagkagising nito.
Maya maya lang ay magising na 'sya at bumangon sa higaan.
"Dahan Dahan Zoe"
Inalalayan niya ito hanggang sa makaupo at makasandal ng maayos."Kumain ka Zoe para makainom ka ng gamot."
Sinubakan ni Xander na subuan Si Zoe pero ayaw nito
"Paano ka naman gagaling kung ayaw mo nito. Kahit inumin mo nalang itong gamot. Please."
"Xander, hayaan mo na ako. Di kita kailangan. Si Via dun ka na sakanya!"
"Zoe, please. Tanggapin mo naman ako. Mahal na mahal kita. Si Via, 'sya ang yumakap sakin. Di ko 'gusto ikaw ang mahal ko!" Di na napigil ni Xander na lumuha sa harap ni Zoe. Habang hawak nito ang kamay 'nya.
"Tama na, ang sakit sakit na. Mahal mo ako, kasi naawa ka sakin ngayon at dahil bestfriend mo lang ako."
"Zoe please. Noon pa mahal na kita. Alam yun nila mama at papa. Natatakot lang ako kasi baka di mo ako mahal. Alam kong mahal mo ako. Ayusin naman natin 'to"
"Mahal kita bilang kaibigan."
Dun ipinakita ni Xander ang nawawalang aklat nya.
"Ngayon sabihin mong mahal mo ako bilang kaibigan Zoe. Nabasa ko lahat dito. Nakita ko 'to kagabi sa kotse."
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
Other works (On-going po lahat)
* Itinakda ng Tadhana
* Love at First Kiss
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?