ZOE'S POVDi ko akalain na Si Xander ang magbubukas ng gate para sa akin.
Tinignan ko lang 'sya. Umiiyak yung taong mahal ko.
Niyakap 'nya ako at niyakap ko rin 'sya. Dun ko nararamdaman na mahal na mahal nga 'nya ako. At sa mga text 'nya sakin sa 5 araw na wala ako dun palang narealize ko na lahat.
Nasa kwarto kami ni Xander para makapag'usap.
Hawak ni Xander ang kamay ko. Magkatabi kami sa sofa malapit sa Bintana ng kwarto ko.
"Xander, sorry!" Yung lang ang nasabi ko. Di ko rin napigilang tumulo ang luha ko.
Si Xander, humawak sakin At pinunasan ang luha ko ng mga kamay 'nya.
"Promise me, na di mo na ako iiwan?"
"Promise Xander! Sorry ulit."
"It's okay Zoe. Ang mahalaga nandito ka na."
"Mahal na mahal kita Xander!"
This time ako na ang yumakap sakanya.Kumatok Si kuya Liam.
Tumayo ako at yumakap sakanya. Syempre umiiyak parin ako. Kasi pinag'alala ko ang kuya ko at sobrang miss ko 'sya.
"Zoe, magagalit na ako sayo sa susunod na gagawin mo yun ha?"
"Oo kuya, di ko na gagawin yun. Miss you kuya!"
"Miss you too Zoe. Sige na papasok ako ngayon. Xander, ikaw muna bahala sakanya ha."
"Sige kuya, ingat." sagot naman ni Xander.
XANDER'S POV
Sobrang Saya ko. Kasama ko na 'sya. At ngayon masasabi kong mas malinaw na ang lahat.
"Zoe, punta tayo sa bahay? Nandun sina mama at papa ngayon. Sabihin natin tungkol satin."
"Sige Xander, namiss ko narin Si tita."
Nakangiting sagot ni ZoeIlang minuto lang andito na kami sa bahay.
Nasa garden parin sina mama at papa.
"Tito, tita!"
Sigaw ni Zoe.Kasundo kasi 'nya ang parent's ko.
"Kamusta ka na Zoe?"
"Okay na po ako tita. Namiss ko po kayo ni tito." Sabay yakap 'nya sakanila.
Dapat malaman na nila mama ang tungkol saming dalawa.
Hinawakan ko ang kamay ni Zoe.
"Pa, Ma... Mahal na mahal po namin ang isa't isa. Payag po ba kayo kung magpapakasal kami after graduation?!"
Hindi nagulat sina mama at papa sa sinabi ko. Expected ba kaya nila yun?"
"Oo naman anak, masaya kami ng papa mo kung anong desisyon ninyo."
"Salamat po tito at tita." Si Zoe.
Nagkwentuhan sila ni mama hinayaan ko lang sila.
Maya'maya ay niyaya ko 'syang umuwi at baka andun na Si kuya Liam.
"Zoe, tara na. Balik na tayo sa inyo."
"Sige Xander, tara na!"
Nagpaalam na muna kami kina mama at papa.
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
Other works:
*Itinakda ng Tadhana
*Love at First Kiss
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?