Mahal kita, Bestfriend (6)

235 9 0
                                    


Medyo madilim na nung nakarating Sina Xander at Zoe sa mall.

"Zoe, manuod muna tayo ng sine bago mo ako samahan sa bibilhin ko."

"Uy busy ako, next time na yung sine. Tara anu bang bibilihin mo?"

"Hay, nagtatampo na talaga ako  sayo e, wala akong bibilihin. Sinabi ko lang yun para sumama ka sakin. Manuod nalang tayo ng sine."

Wala ng nagawa Si Zoe, hinila na 'sya ni Xander papunta sa elevator.

"Xander, yung kamay mo bitawan mo na. Baka isipin pa nila girlfriend mo ako."

"Ikaw naman, hayaan mo sila."
Sabay bitaw ni Xander ang kamay ni Zoe.

Nasa 3rd floor na silang dalawa para bumili ng ticket. Bumili narin sila ng popcorn at iced tea bago pumasok sa loob ng sinehan.

"Xander, bakit kasi ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend para may kasama kang manuod ng sine."

"Ang totoo kasi meron na akong mahal e."

"Talaga meron na? Uy sino bestfriend?"

"Malalaman mo rin kung sino. Teka bakit ayaw mo ba akong kasama manuod ng sine at mamahalin? Bakit ikaw ayaw mo pa Magbestfriend?"

"Loko, syempre bestfriend kita at gusto kitang kasama kaso busy lang talaga ako."

"Bakit nga ikaw ayaw mo magka'boyfriend?"

"Di ko pa iniisip yan Xander. Manuod na nga lang tayo."

Nanuod ang dalawa hanggang sa nakatulog si Xander sa balikat ni Zoe.

"Uy Xander, gising ang bigat ng ulo mo"

"Hayst, di ako tulog Zoe. Hayaan mo nga lang ako. Miss lang kasi kita."

"Tigilan mo nga ako Xander. Baka isipin nila girlfriend mo ako."

"Hayaan mo sila. Dati pa naman ganito na tayo, wag ka paapekto."

Napakamot nalang ng ulo Si Zoe dahil sa ginawa ni Xander.

"Kaya ako umiiwas para makalimot sa nararamdaman ko sayo tapos ganito naman."
Sabi 'nya sa isip habang nakatingin sa pinapanuod nila.

"Zoe, wag mo na akong iiwasan ha." Biglang Sabi ni Xander sakanya.

Nagulat si Zoe sa sinabi ng bestfriend 'nya.

"Hindi nga kita iniiwasan Xander. Kulit mo din."

"Basta, Bestfriend kita e."

Hanggang sa natapos na ang pinapanuod nilang dalawa at lumabas na sila ng sinehan.

"Xander, uwi na tayo."

"Mamaya na, samahan mo muna ako."

"Sige na nga, saan ba? Ano bang bibilihin mo?"

"Ano bang gusto mo?"

"Hmm, wala. Ang gulo mo kamo Xander"

"Hay, tara na samahan mo ako dun."

"Para kang bata Xander."

"Maglaro muna tayo ng arcade."

"Sige na nga nandito na tayo e."

Pagkatapos maglaro ay hinatid na ni Xander Si Zoe sa bahay nila.

"Zoe, sabay tayo bukas ha. Sunduin kita."

Hindi na sumagot Si Zoe kay Xander. Pumasok na 'sya sa loob nung nakaalis na Si Xander.





[Author's Note]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon