.............Nasa kwarto na sila ni Xander. Pinahiga ni Zoe si Xander sa kama 'nya at bigla 'nyang nakita na meron picture Si Xander na kasama 'sya na nakadisplaysa side table ng kama 'nya.
"Xander, bakit naman may picture ako dito?"
"Oh, wag ka nang magtanong Zoe. Wala naman akong girlfriend diba? So picture natin inilagay ko jan. Maganda ka naman 'dyan e."
"Naku, anong sabi nina tita nung nakita 'yan. Bagay daw tayo."
"Hah?!!! Nagpapatawa ka ba?! Magbestfriend lang tayo ah."
"Oo nga diba."
"Ok, sige. Dito lang ako. Pag dumating na sina tito at tita saka ako uuwe."
"Dito ka lang ha."
" Oo na, matulog ka na. Saglit lang at kuha ako ng towel at ilalagay ko sa noo mo."
Nilagyan ni Zoe ng towel ang noo ni Xander. Para mabilis mawala ang lagnat nito.
Bigla nanamang hinawakan ni Xander ang kamay 'nya. Wala na 'syang nagawa pa kaya ngumiti nalang 'sya sakanya.
"Ikaw bestfriend ha, nakakarami ka na sa paghawak sa kamay ko."
"Magtaka ka kung hinalikan kita."
"Hahahha, loko di 'yun pwede. Matulog ka na nga."
"Joke lang"
"Alam ko joke lang yun, kasi bestfriend mo lang ako. Sige na matulog ka na 'dyan.
ZOE'S POV
Mabuti naman at nakatulog na 'tong Si Xander. Ang tagal naman nila tito at tita para makauwi na ako.
'di maliwanag mag'isip ni Zoe.
.
.
.
.
.
.
Bakit kaya may picture ako dito sa table 'nya? Bakit kaya laging hawak 'nya ang kamay ko? Bakit kaya gusto 'nya nasa tabi 'nya lang ako?"Hay! Ano bang nangyayari sakin?!" Sabay kamo ko sa ulo ko.
"Zoe, Bestfriend lang kayo. Hindi ka 'nya gusto. Sinabi na 'nya kanina na mahal ka 'nya pero bilang bestfriend lang!!!'"
Ano ba 'to. "Paano naman kita nakakalimutan Xander? Ha? Sa ginagawa mo sakin mas lalo kitang minamahal e."
'di dapat ako padadala sa nangyayaring ito.
Makalipas ang 2 oras ay dumating narin Sina tito at tita. Kaya bumaba na ako at nagpaalam. Sakto dumating narin Si kuya Liam para sunduin ako.
Nagpaalam na ako sakanila. "Tito, tita uwi na po ako. Nanjan narin po kasi si kuya."
"Sige Zoe, salamat at sinamahan mo Si Xander." sagot ng mama ni Xander.
"Wala po yun tita, sige po."
"Sige, mag-iingat kayo sa pag'uwe ha." sagot naman ng papa ni Xander.
"Yes, tito. Salamat po."
At lumabas na ako at nandun na Si kuya naghihintay na sa akin.
"Kuya, tamang tama lang ang dating mo. Tara uwi na tayo."
"Kamusta naman Si Xander?"
"Ok na 'sya kuya. Di na Mataas ang lagnat 'nya."
Nagdrive na Si kuya pauwe. Sa kaming subdivision lang ang bahay namin kaya malapit lang.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?