Mahal kita, Bestfriend (23)

168 6 0
                                    

..........

Maagang bumangon Si Zoe. Naisipan na ' nyang pumasok at sasabay nalang sa kuya 'nya.

"Kuya, papasok na ako. Sabay tayo ha."

"Hay salamat, naisipan din ng kapatid ko na pumasok ngayon."

"Kuya naman e."

"Ok ka na ba?"

"Oo kuya, wag kang mag-alala sakin. Di naman siguro ako kuya kukulitin ni Xander pag nakita 'nya ako."

"Ok sige..

"anong oras klase mo?"

"After lunch kuya."

"Sige, tamang tama pareho tayo ng schedule."

Nagluto muna ng lunch Si Zoe para kanila ng kuya 'nya.

"Kuya, kuya nagluto ako. Kain na tayo."

"Wow ha, sige nga titignan ko kung pwede ng mag'asawa ang kapatid ko."

"Kuya naman!" Sabay hampas ng malakas sa braso nito.

"Joke lang ano ka ba! Di mo ako pwede unahan na mag'asawa noh!"

"Kuya talaga patawa ka palagi."

Maya maya ay gumayak na ang magkapatid para pumasok.

At pagkarating nila sa University ay dumiretsyo na kaagad Si Zoe sa klase 'nya.

Agad 'nyang tinabihan Si Jenna.

"Jenna, namiss kita."

"Hay, salamat pumasok ka din. Kamusta ka na?"

"Ayos na ako. Marami bang projects?"

"Wala naman, kamusta kayo ni Xander? Lagi ka 'nyang hinahanap sakin kahit kanina e."

"Wag na muna nating pag'usapan yan Jenna. Please"

"Naku ah, may something ata sa inyo e."

"Wala ah, ok kaming dalawa."

Natapos ang klase ni Zoe. Pagkalabas 'nya ay wala dun Si Xander. Pumunta 'sya sa building kung saan naroon ang kuya Liam 'nya. Sandali lang 'syang naghintay at lumabas na rin Si Liam.

"Kanina ka pa ba dito?"

"Hindi naman kuya."

"Di mo ba nakita sa Xander?"

"Hindi, Tara na kuya. Ililibre mo ako ngayon e."

"Ah, kaya pala naghintay ka dito. May balak ka palang magpalibre ah!"

"Minsan lang naman kuya e. Pag may girlfriend ka na, di mo na ako ililibre siguradong ako."

"Ah, mabuti at alam mo!"

"Hay, Sabi na nga e. Tara na nga."

Humawak Si Zoe sa braso ng kuya 'nya. At hinila na 'nya ito papuntang parking lot.

Nasa parking lot Si Xander pauwi na sana 'sya dahil pupuntahan sana si Zoe sa bahay. At nakita 'sya ni Via.

"Xander, pwede ba tayong mag'usap?"
Si Via.

Pasakay na Si Xander ng kotse 'nya ng bigla 'syang tinawag nito.

"Bakit? Ano yun?"

"Mahal kita Xander. Ako nalang. Hayaan mo na Si Zoe."
Sabay yakap nito kay Xander.

Sa di inasahan ay paparating sina Zoe at Liam malapit ka kanila.

Napahinto sa paglakad Si Zoe. At biglang tumalikod at tumakbo palayo dahil sa nakita 'nya.

"Zoe!"
Sigaw naman ni Liam at sumakay ito sa kotse para habulin ang kapatid.

Nagulat si Xander. Di 'nya akala na makikita yun ni Zoe. Kaya niya itinulak Si Via.
"Hindi kita mahal! Si Zoe ang mahal ko. Tigilan mo na ako!"

Iniwan na rin Xander at sumunod kay Liam para habulin Si Zoe.

Pero di nila naabutan dahil nakasakay 'sya kaagad ng taxi.




[Author's Note ]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon