Mahal kita, Bestfriend (28)

175 6 0
                                    

XANDER'S POV

6:30 am
Nagising ako sa tawag ni kuya Liam.

Calling kuya Liam.....

"Bakit kuya?"

"Si Zoe wala, wala rin yung ibang gamit 'nya!" Nag'aalalang boses ni kuya.

"WHAT??!"


"Xander, tulungan mo akong hanapin ang kapatid ko. Baka malaman ito nila mama."

"Sige papunta na ako 'dyan kuya."

Nagmadali akong Naligo at nagbihis.
Tinatawagan ko 'sya pero off nanaman ang phone nya.

"Anak San ka pupunta? Ang aga pa ah." Si mama

"Hahanapin po Si Zoe, wala po 'sya sakanila."

"Alam ba ng tita mo yan?"

"Ma please wag mong sabihin. Kasalanan ko kung bakit nagkaganito."

Di ko na hinintay na sumagot Si mama. Pinaandar ko kaagad yung kotse ko.

"Zoe, Nasaan ka? Ok na tayo kagabi. Bakit?!" tanong ko sa sarili ko.

Dumating ako sa bahay nila. Nanaman ko Si kuya Liam.

"Xander, diba ok na kayo kagabi?"

"Oo kuya, Nasaan naman kaya 'sya."

"Tara hanapin na muna natin 'sya. Puntahan nating Si Jenna"



ZOE'S POV

Naguguluhan parin ako.

Mahal ba talaga 'nya ako o naaawa lang 'sya sakin dahil nalaman 'nyang mahal ko 'sya?

Gusto ko munang lumayo.

Malayo kay Xander. Mahal na mahal ko 'sya at hanggat maari gusto ko lagi 'syang nakikita pero hindi ngayon...

Gusto ko mapag'isa.

Pero saan ako pupunta?!

Kay Jenna? Hindi pwede makikita nila ako dun.

Dun muna ako sa probinsya sa Zambales. Kina tito at tita.

Nakasakay na ako ng bus. Dala ko lang yung backpack ko at yung trolley ko.

Yung phone ko naka'off.

8am na, siguradong Si kuya at nag'aalala na sakin. Kaya naisipan kong tawagan 'sya.

"Zoe, Nasaan ka? Umuwi ka na!"

"Kuya gusto kong mapag'isa. OK lang ako. Wag nyo na akong hanapin."

At dun ko pinutol ang tawag. Di ko na rin hinihintay yung sagot ni kuya dahil alam kong sesermonan lang 'nya ako.


XANDER'S POV

Di ko alam kung san ko 'sya hahanapin. Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Hanggang sa tumunog ang phone ni kuya Liam. Si Zoe tumatawag.

Nagulat nalang ako nung biglang hinagis ni kuya yung phone 'nya.

"Bakit kuya?"

"Wag na daw nating 'syang hanapin. Gusto daw 'nyang mapag'isa."

"Hindi pwede, hindi 'sya sanay na mag'isa diba. Baka kung ano pang mangyari sakanya."

"Isa lang ang nasa isip kong pupuntahan 'nya. Dun sa Zambales. Kina tito at tita."

"edi dun natin 'sya Puntahan."

"bigyan muna natin ng space para makapag'isip 'sya. Babalik din yun or magpapasundo."

"Sigurado ka ba na dun 'sya pupunta kuya?"

"Oo yun lang naman ang kaya ' yang Puntahan na medyo malayo ng mag'isa e. Tatawagan ko sila tita para malaman natin kung nandun 'sya."

"Sana nga.. I'm sorry kuya Liam. Kasalanan ko 'to."

"Walang may kasalanan dito Xander. Kilala ko ang kapatid ko. Siguradong may dahilan sya kung bakit 'nya ginawa yun."

Nanahimik nalang ako. Naguguluhan bakit pa kailangan naming humantong sa ganito.




Author's Note ]

Hello! Thank you for reading.
May isa pa po akong story. :)

*Mahal kita, Bestfriend (On-going)

*Love at First Kiss (On-going)

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon