Mahal kita, Bestfriend (33)

154 6 0
                                    


ZOE'S POV

Nagkukulitan kami ni kuya at biglang dumating sila papa at mama.

Nagmadali kami ni kayang bumaba.

"Tara Zoe anjan na sila mama."

Nasa hagdan palang ako pero di ko na napigilang sumigaw.

"Papa, mama welcome back!"

Ganun din Si kuya. Para kaming mga bata.

Nauna kong niyakap Si papa bago Si mama.

"Namiss ko po kayo!"

Maya'maya Si kuya naman ang yumakap sakanila.

"Nasaan Si Xander?"

"Umuwi lang po saglit ma, babalik din po 'sya."

Nakaupo kami sa sala, Masayang nagkukwentuhan.

Di naman nagtagal ay dumating na Si Xander.

"Hello po tito at tita? Kamusta po?"
Bati niya sa parent's ko.

"Ayos naman kami Xander. Halika at maupo ka."

Naupo Si Xander sa tabi ko.

"Xander at Zoe, kamusta ang relasyon ninyong dalawa?"
This time Si papa na ang nagtanong.

Hinawakan ni Xander ang kamay ko.
"Tito at tita, girlfriend ko na po Si Zoe. Promise po aalagaan ko 'sya. Di ko po 'sya papabayaan."

"Basta mga anak tatapusin pa ninyo ang pag'aaral ha. Saka ikaw Zoe wag nang isip bata na aalis nalang kung kelan gusto."

"Opo pa, pasensya na po sa ginawa ko. Ito kasing Si Xander e!"
Sabay tingin ko sakanya at saka ako sumandal sakanya.

"Bakit ako Zoe? Ikaw kaya!!"
Depensa naman nitong Si Xander. Pero alam kong nang'aasar nalang 'sya.

Kaya ngumiti nalang ako.

Pumasok na sina mama at papa sa kwarto nila. Pahinga daw muna sila dahil wala pa silang tulog. Si kuya naman umakyat narin at kami nalang ni Xander ang naiwan.

"Mahal ko, ano San mo gustong pumunta?"

"Saan nga ba mahal?" tanong ko rin sakanya.

"Hmm, dun nalang tayo sa taas. Sa terrace para makapagkwentuhan tayo. Miss parin kita e."

"Sige. Pero labas muna tayo. Bili tayo ng ice cream. Please!"

"Ice cream lang pala e. Sige mahal tara na"

Bumalik kami kaagad ni Xander sa bahay. Nasa terrace na kami. At syempre ibinili 'nya ako favorite kong flavor ng ice cream ang rocky road.

Magkatabi lang kaming nakaupo. Nakasandal nanaman ako sakanya habang kumakain ng ice cream.

"Zoe, kelan mo pa ako mahal?"

"Nuon pa man Xander mahal na kita, kaso takot lang talaga ako kaya mas pinili kong mahalin ka ng lihim. E ikaw Xander?"

"Nuon pa din, nung nasa high school palang tayo inlove na ako sayo Zoe."

"E bakit ako pa Xander? Marami nagkakagusto sayo diba? Isa na dun Si Via."

"Zoe mahal ko, bakit naman isasali mo pa Si Via sa usapan natin. Ikaw lang ang gusto ko, at mahal kita."

"Huh?? Naku Xander, kung alam mo lang sobrang sakit para sakin nung nakita kong yakap ka 'nya."

"Mahal naman, alam ko yun kaya nga di ko alam ang gagawin ko para lang magpaliwanag sayo diba? Masakit rin sakin yun araw araw mong sasabihin na Magbestfriend lang tayo."

"Xander kasi nga di naman natin alam na mahal pala natin ang isa't isa diba? Di ako Nagseselos ah. Alam ko naman na ako ang mahal mo e."

Saka 'nya ako niyakap.




[A/N]

Thank you for reading!!

Other works:

*Itinadha ng Tadhana

*Love at First Kiss

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon