ZOE'S POVLunch break.....
Kasama ko si Jenna, simula nung pumasok na ako dito sa University magkaibigan na kami.
"Tara Zoe, lunch tayo sa canteen."
Yaya sakin ni Mika."Sure Jenna, Libre mo ako ha."
"Hahaha, ikaw talaga. Tara na dalian mo pala 'dyan."
"Oh, ayan na nga diba."
"Kamusta nga pala ang kuya Liam mo?"
"Ayun seryoso sa pag'aaral. Busy nga 'sya. Sabi ko nga dapat manligaw na 'sya e."
"Sayang gwapo pa naman ng kuya mo."
"Bakit, maganda rin naman ako ah. Hehe"
"Ay ayaw patalo ng bruha oh"
"Oy ikaw Jenna, aminin mo. Gusto mo Si kuya ano? Lagi mo 'syang hinahanap e."
"Naku Zoe, wag kang maingay secret lang natin ha. Alam ko naman di ako magugustuhan ng kuya mo e."
"Gusto mo pakilala kita?"
"Saka na, nahihiya pa ako. Nga pala musta kayo ng bestfriend mo?"
"Ayos naman kami. Mamaya sabay kaming umuwe."
Habang kumakain kami ng lunch sa canteen Si Xander na ang pinag'uusapan namin ni Jenna.
"Gwapo din yang bestfriend mo Zoe ah. Diba maraming nagkakagusto sakanya?"
"Oo marami, kaya nga naiilang akong kasama 'sya baka isipin na girlfriend 'nya ako. At masabunutan pa ako ng mga bitter na babaeng nagkakagusto sakanya."
"Loko mo Zoe ah. Alam mo bagay kayong dalawa."
"Hahaha, bagay ka Jan! Magbestfriend lang kami, at kapatid lang ang turing namin sa isa't isa."
"Seryoso, bagay talaga kayo. Buti di ka nadevelop sakanya."
"Hindi ah, saka bata palang kami magkakilala na kami. Tsaka Sabi 'nya sakin may mahal na raw 'sya."
"Paano kung ikaw yun?"
Natigilan ako sa pagkain sa tanong sakin ni Jenna. Di ako agad nakasagot."Hoy!!! Sabi ko paano kung ikaw yun?!"
"Naku nagpapatawa ka ba?!"
"Malay mo di ba?! Saka baka takot lang 'sya umamin sayo kasi ayaw 'nyang masira yung friendship nyo."
Napaisip ako sa sinabi ni Jenna. Pero impossible yun. Malamang di ako yung mahal 'nya kasi lagi ' yang pinagdidiinan na bestfriend 'nya ako.
"Zoe ano?!"
"Malabo yun Jenna, di 'nya ako magugustuhan."
"Pero ikaw gusto mo ba 'sya?"
Natigilan nanaman ako sa tanong ni Jenna. Kung bakit naman kasi napunta pa kau Xander yung usapan."Hay, Magbestfriend lang kami malabong mangyayari yun."
"Bahala ka nga, kung ako sayo umamin ka nalang sakanya kung gusto mo 'sya. Mahirap ang ganyan dahil kung walang amin sa inyong dalawa palihim nalang niyong mamahalin ang isa't isa."
"Hoy Jenna, ang lalim ng sinasabi mo. May mahal na nga 'sya at ako ayaw ko pa magka'boyfriend."
"Feel ko lang kasi may something sa inyo. Parang ang weird kasi."
"Weird ka jan, sige ka di kita papakilala kay kuya."
"Haha ikaw talaga. Bilisan mo jan at balik na tayo dun sa klase natin.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?