....................
Sabado ngayon at ngayon tuturuan ni Xander magdrive si Zoe. Ayaw na sanang magpaturo ni Zoe, pero baka magtampo naman sakanya ang kaibigan.
Di pa nakabihis si Zoe ng dumating sa bahay nila si Xander. Simple lang ang suot nito. Pants, v-neck shirt at rubber shoes lang pero lutang parin ang kagwapuhan 'nya.
Diretsyo 'sya sa living room ng bahay nila Zoe, si Liam ang kausap 'nya.
"Sandali lang Xander ha, tatawagin ko ang kapatid ko."
"Sige kuya Liam, hintayin ko nalang 'sya dito."
Umakyat si Liam at kinatok sa kwarto 'nya ang kapatid.
"Zoe, nasa baba si Xander. Hinihintay ka na."
"Oo kuya, pababa na ako."
Bumaba ba si Liam para masamahan si Xander .
"Xander, ano nakain ng kapatid ko at gusto na'nyang magpaturo magdrive sayo?"
"Pumayag na 'sya nung nagkasakit ako e. Dati kasi ayaw 'nya."
Di nagtagal ay bumaba na si Zoe. Excited na rin kasi 'sya.
"Oh, Xander ang aga mo ah!"
"Ah, hindi naman maaga lang kasi akong nagising kanina."
"Naku, Xander sihuraduhin mo na matututong magdrive 'yang isip bata kong kapatid ah!"
"hahaha, mukhang mahihirapan akong mgturo sakanya e."
"Kayong dalawa pinagkaisahan nanaman ninyo ako! nakakainis kayo kuya at Xander ah."
Sabay tumawa ang dalawa.
"Biro lang namin 'yun sayo Zoe." wika ng kuya Liam 'nya.
"Hay!!! Ganyan naman kayong dalawa magkasundo talaga kayo e."
"Tara na nga Zoe, dun tayo sa kabilang subdivision."
Nagpaalam na si Zoe kay Liam at sumunod na kay Xander sa kotse nito.
"Xander, parang natatakot ako. Wag nalang kaya?"
"Hindi, nandito naman ako Zoe e. Aalalayan naman kita e."
"Kahit na, ano nga pala ang sabi ni kuya?"
"Wala naman, alam mo namang magkasundo kami ng kuya mo e."
"Ah, oo nga pala kapag magksama kayo lagi 'nyo akong niloloko."
Nakarating na sila sa kabilang subdivision. Tinuruan na ni Xander si Zoe.
"Oh, ikaw naman subukan mo na Zoe."
Sinimulan ni Zoe. Madali naman 'nyan napadaan ang mga itinuro sakanya ni Xander.
"Ang galing ah, fast learner ka naman pala e."
"Ay naku, nakakatakot parin kasi magdrive e."
"Incase lang naman kasi may emergency atleast alam mo magdrive diba?!"
"Oo na, tama ka na Xander."
"Oo nga pala, malapit na ang birthday mo ah."
"Ah, bakit?! May regalo ka ba sakin Xander?!"
"Hmm, oo meron. Pero secret. Surprise kita."
"Halla, may ganun ka pang nalalaman Xander."
"Oo naman, Bestfriend kita e."
"Oo na, oh ikaw na dito sa driver seat Xander."
"Sige, uwi na ba tayo? Gala muna tayo Zoe."
"Hmm, sige. San naman tayo pupunta?"
"Basta, Malalaman mo mamaya."
"Ok, ikaw ang bahala."
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?