Mahal kita, Bestfriend (27)

192 7 0
                                    


Hindi nakapagsalita Si Zoe.

"Ano? Sumagot ka Zoe."

Hindi parin 'sya nakasagot.

"Zoe naman, magsalita ka naman. Di ko na alam ang gagawin ko. Di kita isusuko. Ngayon pang nalaman ko ang totoo. Kahit di mo sabihin alam kong mahal mo ako."

Hindi parin 'sya nagsalita.

"Zoe, wag ka namang ganyan!! Please. Mas masakit sakin na nakikita kang nasasaktan. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita!"

Tumulo lang ang luha ni Zoe.
Hanggang sa niyakap nalang 'sya ni Xander.

"Okay, di kita pipiliting magsalita. Maghihintay nalang ako ha?! Sige na magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo. Di kita iiwan."

Hanggang nakatulog ulit Si Zoe.

Makalipas ang 2 oras nagising siya pero wala sa tabi 'nya Si Xander. May lagnat parin 'sya. Sinilip 'nya sa labas pero wala na ang kotse 'nya.

Napaupo nalang 'sya sa baba ng hagdan at di napigilang umiyak.

Mga 15 minuto ay narinig ang kotse ni Xander.

Nagulat si Xander nang makita 'nyang nakaupo 'sya sa baba ng hagdan.

Agad naman 'syang lumapit.

"Bakit nandito ka? Bakit umiiyak ka? Tara sa taas." Sabi niya habang pinupunasan nito ang luha 'nya.

"Ang sabi mo nasa tabi lang kita, pero nagising ako wala ka Xander."

"I'm sorry. Umuwi lang ako saglit. Tumawag kasi si mama. Sorry na. Kaya mo bang umakyat ha?"

Tumayo Si Zoe at inalalayan naman 'sya ni Xander.

"Anong gusto mo Zoe? Gusto mo bang kumain ha?!"

"Dito ka lang. Un lang ang gusto ko."

"Sige, dito lang ako Zoe. Wag ka ng umiyak ha. Nasasaktan ako."
Sabay niyakap nya si Zoe.

"Xander, sorry kasi naglihim ako sayo."

"Hindi, Wag ka mag'sorry ako din naman naglihim sayo. Pareho lang naman tayo ayaw masira ang friendship natin. Mahal na mahal kita Zoe Katrice. Wag mo nang isipin yun. Yung sinasabi ko sayo na mahal ko ikaw 'yun. Ikaw lang, matagal ng alam 'yun nila mama."

Maagang umuwi Si Liam dumiretsyo ito sa kwarto ng kapatid. Nandun pa Si Xander nag-uusap sila ni Zoe.

"Kamusta ang kapatid ko?"

"Ok na ako kuya. Papasok na ako bukas."

"Mabuti naman, sige pasok muna ako sa kwarto ko."

Naiwan nag'uusap sina Zoe at Xander sa kwarto nito. Magkaharap silang dalawa.

"Xander, paano mo nga pala nalaman na nandun ako sa resort kahapon?"

"Tinawagan ako nung care taker dun."

"Oh, bakit kilala ka ba 'nya?"

"Sila mama at papa ang may'ari nun Zoe. Di ko lang sinabi sayo nun."

"Talaga? Ang galing naman."

"Anytime pwede tayong magpunta dun Zoe. Oo nga pala, yung tanong ko sayo kanina. Totoo ba yung nakasulat dun sa aklat?"

"Oo, totoo. Matagal ko nang isinulat 'yun Xander."

"So, totoong mahal mo ako?"

"Oo, mahal kita Xander matagal na. Natakot lang din ako dahil bestfriend mo ako."

"Hindi mo na ako bestfriend simula ngayon Zoe. boyfriend mo na ako. Ay pagkatapos natin sa college magpapakasal tayo ha?"

Niyakap ni Xander Si Zoe. At hinalikan niya ito sa noo.

Ngayong malinaw na ang lahat.
Nagpaalam na Si Xander na uuwi. At maaga ang pasok nila bukas.

"Magpahinga ka na, bukas susunduin kiya. Maaga ang klase natin diba?!"

"Sige. Magpahinga ka narin Xander."

Author' Note

Thank you for reading!

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon