Mahal kita, Bestfriend (10)

197 6 0
                                    


...........

Maagang nagtext Si Zoe kay Xander.

Message from Zoe:

"Bestfriend, kay kuya muna ako sasabay ha. Maaga kasi akong papasok ngaun. Nextime nalang."

Ang totoo eh, ayaw lang ni Zoe na makita Si Xander at nahihiya 'sya sa nangyari kahapon at baka pinag'uusapan parin sila ng mga nakikita kahapon. Kaya mas pipili nalang 'nya sumabay sa kuya 'nya.

Pagkabasa ni Xander sa text message ni Zoe ay agad naman itong tumawag sakanya.

"Zoe, bakit di mo sinabi kagabi na maaga ngayon?"

"Nakalimutan ko Xander. Sorry!"

"Sige, mamaya nalang pag'uwe hintayin kita. Akala ko umiiwas ka nanaman sakin e."

"Hindi Xander, sige na aalis na kami ni kuya. Bye. Takecare!"

"Ok Zoe, ingat! See you later."

Agad na kinuha ni Zoe ang gamit 'nya at nagmadaling bumaba papunta sa garahe nila.

"Ang tagal mo naman, baka ma'late tayo nito e."

"Sorry kuya Liam. Tumawag pa kasi si Xander e."

"Naku Zoe ah, pakiramdam ko talaga may something sa inyo."

"Kuya!!!! Ang dumi ng isip mo."

"Hahaha, pakiramdam ko lang naman."

"Kasi naman magcocommute nalang ako kuya!"

"Ay tampo naman kaagad 'tong isip bata kong kapatid."

"Kasi ikaw e."

"Di naman kami magagalit nila mama e. Mas gusto nga namin Si Xander dahil alam namin na mabait 'sya at ang pamilya 'nya."

"Kuya,'wag ipilit ang hindi pwede. Magbestfriend lang kami. Ang kulit mo."

"Huh, tapos magkaholding hands kayo sa school."

Hindi na nagsalita Si Zoe. Alam naman kasi 'nya na hindi 'sya uubra sa kuya 'nya e.

Hanggang sa makarating na sila sa University na pinapasukan nila.

"Sige kuya mauna na ako."

"Kanino ka sasabay mamaya?"

"Kay Xander nalang kuya."

"Sige, tamang tama may lakad kami nlmamaya ni nila Troy at Jerick."

"Ok kuya. Kita nalang tayo sa bahay."

Agad na dumiretsyo Si Zoe sa building nila. Buti nalang at 'di matraffic kaya 'sya nahuli sa klase.

Tumabi 'sya sa upuan ni Jenna.

"Uy sino kasama mong pumasok?"

"Sino pa edi Si kuya."

"Akala ko Si Xander e."

"Hindi ah, bakit Jenna?"

"Alam mo bang pinag'uusapan nila kayong dalawa."

"Oo kinausap ako ni kuya kagabi. Narinig rin kasi 'nya e."

"Ah, anong sabi ng kuya mo?"

"Wala, naniwala naman sakin. Magbestfriend nga lang kasi kami e."

"Sabagay"

"Kaya ikaw wag masyadong mag'isip ng tungkol samin ni Xander ah."

"Ano ka ba, kahit sino dito yun nasa isip nila. Alam mo bagay nga kayo e.."

"Bagay ka 'dyan! Kung ano-anong sinasabi mo Jenna. Naloloka ako sayo."

"Hahaha, bahala ka nga Zoe."

Natapos ang klase ni Zoe at lumabas na 'sya ng classroom. Nakita 'nya Si Xander na nakaupo kaya nilapitan 'nya ito.

"Uy Bestfriend, kanina ka pa?"

"Hindi naman, tara na"

"Parang ang tamlay mo ah."
Hinawakan ni Zoe ang noo ni Xander at mainit ito.


[Author's Note]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon