Lumapit si Xander kay Zoe. Inilagay 'nya sa balikat ni Zoe ang doble 'nyang long sleeve."Leave me alone Xander!"
Mahinang sabi nito sakanya."No, iuwi kita nag'aalala ang kuya mo! Let's go Zoe. Malamig dito baka magkasakit ka pa."
Tumayo 'sya at sumunod nalang kay Xander. Ayaw kasi 'nyang nag'aalala sakanya ang kuya 'nya. Pero hindi 'sya nagsasalita o tumingin manlang kay Xander.
Di rin naman magaganda magpaliwanag ni Xander dahil baka hindi ito sumama sakanya pauwe.
XANDER'S POV
Gustong gusto kong sabihin sayo na mali ang nakita mo Zoe. Gustong gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita pero alam kong di mo ako pakikinggan ngayon.
Ang mahalaga sakin ngayon at nakita kita at safe ka. Dahil katulad ni kuya Liam di ko kakayanin kapag may mangyaring sayong masama.
Tahimik 'sya....
"Zoe, nasaktan nanaman kita. I'm sorry. Kung alam mo lang kung guano kita kamahal." Sabi ko sa sarili ko.
Bumaba nalang 'sya nung dumating kami sakanila. Nakaabang na Si kuya Liam sa gate nila. Halatang nag'aalala talaga.
"Mag'usap tayo mamaya Zoe. Umakyat ka na sa taas."
"Xander, salamat. Nakapag'usap ba kayo?"
"Hindi kuya Liam. Di 'sya nagsasalita kanina pa. Galit pa ata."
"Hind 'sya galit sayo. Ganun 'sya kasi nasaktan 'sya. Sige na umuwi ka na ay magpahinga. Kakausapin ko pa ang kapatid ko."
Umuwi na Si Xander at pumasok naman na si Liam at dumiretsyo sa kwarto ni Zoe.
"Zoe, mag'usap tayo."
Hindi binubuksan ni Zoe ang pinto. Hindi rin 'sya sumasagot.
''Zoe, ano ba! Kuya mo ako kausapin mo ako."
Hindi parin 'sya sumasagot. Hanggang sa may nreceived ito natext galing sakanya.
"Sorry kuya kung pinag'alala kita. Hayaan mo muna ako. Please. Ayos lang ako."
'di na nagsalita pa Si Liam. Pumasok na rin 'sya sa kwarto 'nya.
XANDER'S POV
Nakauwi na ako pero di pa ako bumaba sa kotse. Di ko din mapigilang umiyak dahil sa nangyari. Kasalanan ko 'to.
Hanggang sa napansin ko na may aklat sa ilalim ng passenger seat ng kotse ko. Kinuha ki 'ito at binuksan.
"Ito yung nawawalang aklat ni Zoe. Nandito lang pala."
Binuksan ko at may nakasulat sa pinakalikod ng pahina.
Inlove ako sayo,sayo na bestfriend ko. I'm sorry Xander pero di ko alam kung kelan pero ang alam ko inlove ako sayo. Mahal kita.
JACOB XANDER RIVERA......
Yes, inlove ako sayo.
Sa bestfriend ko.
Pero di ko kayang aminin so dito ko nalang sinulat. Wala akong lakas na umamin sayo.
Ayaw ko kasing masira ang pagkakaibigan natin.
At ayaw kong ring aminin sayo ang nararamdaman ko dahil natatakot akong hindi mo ako tanggapin at baka 'di ko kayanin.
Mahal kita, Bestfriend....
ZOE
Napaiyak ako sa nabasa ko. All this time mahal din pala ako ng bestfriend ko.
"Ang laki kong duwag dapat nun ko pa pala sinabi sakanya na mahal ko 'sya. Di na sana kami umabot sa ganito..."
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng TadhanaAnyway meron nga po pala akong bagong story On-going na po yan. Hope po na magustuhan ninyo. Happpy reading! ;)
*Love At First Kiss
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?