..............
Naghintay Si Zoe sa labas ng bahay nila. Wala pang 5 minuto ay dumating na rin Si Xander.
"Sakay na Bestfriend."
Sumakay naman agad Si Zoe. Pagkatapos at bigla 'nyang hinawakan ang noo ni Xander.
"Tignan ko nga kung totoo magaling ka na."
Halos magkatapat na ang mga labi nila at biglang hinawakan ni Xander ang kamay 'nya. Pero biglang humiwalay Si Zoe. Bigla 'syang nahiya sakanya.
"Bakit? Uy namumula ka"
"Ah wala nagulat lang ako sayo."
"Halla, Masyado kang nag'aalala sakin"
"Syempre Bestfriend kita e."
"Tara na nga."
At pinaandar ni Xander ang sasakyan.
"Sa weekend turuan kita magdrive ha."
"Ok sige. Sakto at wala nakaalis na sina mama at papa."
"Bakit saan sila pupunta?"
"May aasikasuhin daw sila sa Canada."
"Ah ok, kelan alis nila?"
"Bukas na Xander."
"Siguro 1 buwan sila 'dun Xander. Kaya dalawa lang kami ni kuya sa bahay na maiwan."
"Ah, sanay ka naman na busy parent's mo e. Pareho tayo. Buti ikaw may kapatid kang super protective sayo."
"Ah oo nga e. Super swerte ko kay kuya. Sabi ko nga dapat magka'girlfriend na 'sya e."
"Oh, anong sabi 'nya?"
"Ayaw pa Xander e. Dami namang nagkakagusto sakanya."
"Para ako pala 'sya Zoe e. Kahit maraming nagkakagusto sakin ayaw ko sakanila."
"Bakit ba kasi ayaw mo sakanila? Gaganda kaya nila."
"Pero mas maganda ka!"
"Hahahha, alam ko na yun bestfriend."
"Aba, naniwala ka naman."
"Alam mo wala ka na ngang lagnat. Super yabang mo nanaman e."
"Sarap mo kasi asaran Zoe."
"Grabe ka, Uy! Bakit kasi ayaw mo sakanila?"
"Wala nga, kasi nga diba may mahal na ako. Pero secret ko muna sayo."
"Wah, bahala ka. Dapat sabihin mo sakin Xander para naman matulungan kita sakanya."
"Hay, 'di na kailangan. Kayang kaya ko na yun. Basta sa tamang panahon."
"talaga lang Xander ah, may nalalaman ka pang ganyan ngayon."
"Oo naman, makikita mo rin 'sya."
"Ang tagal naman bestfriend."
"Ako nga 'di nagmamadali tapos ikaw atat ka."
"Hahaha, wala lang. Lagot ka sakin kung mas maganda ako sakanya."
"Tawa ka 'dyan! Di mo pa nga nakikilala e."
"Oh, pikon ka na pala 'nyan?"
"Hindi ah."
Hanggang sa makarating sila University.
Nagpaalam na Si Zoe na dideretsyo na sa classroom nila.
"Xander mauna na ako ha. Mamaya na lang."
"Ok sige. Hintayin kita mamaya."
"Dun mo nalang ako hintayin sa parking lot ha"
"Hindi, daanan kita sa classroom 'nyo."
Habang naglalakad Si Xander papunta sa kanilang classroom. May nakasalubong 'sya Si Via. Kaklase nila nung high school at school mate nila ngaun. Isa sa mga ngpaparamdam sakanya at may matinding inggit kay Zoe.
"Hi Xander!"
"Uy, bakit?"
"Wala lang, lagi kasi kayong magkasama ni Zoe ah. Kayo na ba?"
"Hindi pa"
"Hindi pa?! May gusto ka sakanya?"
Hindi sumagot Si Xander. Nagsimulang maglakad at di pinansin ang tanong sakanya tungkol sakanila ni Zoe.
[Author's Note ]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?