Maaga ang klase ni Zoe ngayon. Kaya maaga 'syang naligo at nag'ayos.Maya-maya lang ay nagtext na sakanya Si Xander.
Message from Xander:
"Bestfriend, labas ka na, papunta na ako"
Hindi na nagreply Si Zoe sa text ni Xander.
Pero di pa 'sya nakakalabas dahil hindi 'nya makita yung aklat na.
"San ko ba naman nailagay yung aklat ko. Naku baka naman naiwan ko kung saan. Naiwan ko kaya sa kotse ni Xander? Sana hindi baka mabasa 'nya yung note ko dun sa likod. Anu ba yan, sana di 'sya ang makikita. Lagot ako nito."
Nagmadaling bumaba at lumabas Si Zoe sa gate nila. At nandun na Si Xander.
"Sabi ko sayo labas ka na e."
"Sorry Xander, may hinahanap kasi akong aklat. Di ko ba naiwan 'dyan sa kotse mo?"
"Wala ka namang naiwan, baka sa iba mo naiwan or nahulog. Sure ka ba na dala mo kahapon?"
"Oo e, importante kasi yun."
"Di bumili ka nalang ng bago. Para yun lang e."
"Hay Xander di mo naiintindihan e."
"Tara na nga sakay na."
"Sana walang makapulot nun"
"Bakit anu bang meron sa aklat na yun?!"
"Wala, basta Xander."
Habang nagmamaneho Si Xander papunta sa school nila ay napansin 'nyang tahimik Si Zoe.
"Uy bestfriend, tahimik ka ah."
"Wala ung aklat kasi naalala e."
"Hayaan mo na, makikita mo rin yun. Baka nailapag mo lang sa iba."
ZOE'S POV
OMG!!!!!
Sana lang hindi ko kakilala yung makapulot ng aklat na yun o kaya nailagay ko lang kung saan.Baka malaman ni Xander. Kung bakit kasi nagsulat pa ako dun e. Nakaka'asar naman.
"Xander mauna na ako ha."
Pinipigilan 'nya ako. Hinila ang braso ko.
"Bakit Xander?"
"Sabay na tayo, hatid kita dun"
"Wag na, kaya ko naman." Sabay hila ko sa aking braso.
"Please Zoe, Bestfriend mo ako anu ka ba. Wala naman masama dun."
"Sige na nga, kulit mo naman kasi e."
Ngumiti nalang 'sya saka bumaba ng kotse 'nya.
Sabay na kaming naglakad papunta sa building. Dati di naman 'nya ako hinahatid e. Anu naman kaya nakain nitong bestfriend ko..
"Nagiging weird narin 'sya. Siguro dapat di ko muna 'sya iwasan. Baka dun pa ako mabuko na mahal ko 'sya." Sabi ni Zoe sa sarili habang naglalakad sila ni Xander.
"Xander, kung makita mo yung aklat ko 'wag mo bubuksan ha?!"
"Oo na nga wag ka na makulit, baka nasa bahay 'nyo lang yun e."
"Sana nga."
"Sige na pumasok ka na, sabay tayo mamaya. Hi"
Di na ako nagsalita, agad na rin kasi 'syang umalis.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?