Mahal kita, Bestfriend (14)

188 8 0
                                    


XANDER'S POV

Nagising ako pero wala na 'sya sa tabi ko. Ang taong minamahal ko ng lihim.

Nakakahalata na kaya 'sya na gusto ko 'sya?!. Sana hindi, ayaw kong magalit 'sya sakin.. Nadulas pa naman ako sakanya kanina sa parking lot. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin.

"Kailangan ko 'ding sabihin sakanya na mahal ko 'sya, pero sa tamang panahon nalang. Natatakot kasi ako na baka hanggang kaibigan lang talaga ang relasyon namin."

Tinignan ko yung cellphone ko. May message sakin si Zoe.

Message from Zoe:

"Xander, 'di na kita ginising ha. Sinundo na kasi ako ni kuya. Saka dumating naman na sina tito at tita. Palaging ka, 'wag ka na munang pumasok bukas. Take care. I love you bestfriend!"

Natulog na ulit ako nung nabasa ko ang message 'nya.

Papasok na ako bukas. Okay naman na ako.

ZOE'S POV

Tanghali na nung nagising ako. Nakakatamad kasing bumangon lalo na kung after lunch pa ang klase ko.

"Kamusta kaya 'sya?!" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad pababa sa hagdan.

Nandun sa kitchen si mama.

"Anong oras ang klase mo anak?"
Tanong ng mama 'nya.

"Mamaya pa pong 1pm ma."

"Ah kaya pala tanghali ka na bumangon. Kumain ka na 'dyan at aalis na kami ng papa mo."

"Sige po ma, Si kuya po pumasok na ba?"

"Oo anak kanina pa, sige na. Ikaw na bahala 'dyan ha."

"Ok ma, takecare. Ingat kayo ni papa."

"Ok baby.. I'll see you later.. I love you!.."
Sabay halikan ni mama sa pisngi ko.

"I love you too ma!! Bye!"

Kumain na ako at pagkatapos ay bumalik na ako sa kwarto ko para mahiga ulit.

Napatingin ako sa picture namin ni Xander na nakasave sa cellphone ko.

"Mahal na mahal kita, kaso 'di pwede maging tayo dahil bestfriend kita."

Naisip ko nanaman lahat ng nangyari kahapon. Siguradong pinag'usapan nanaman kami ni Xander nito e.

Makakapasok kaya 'sya ngaun? Tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa tumunog ang cellphone ko.

Xander calling:

"Uy, bakit ka tumawag? Ok ka na ba Xander?"

"Oo ok na ako, papasok na ako mamaya. Nasaan ka ba?"

"Dito sa bahay mamaya pa 1pm klase ko."

"Sige daanan kita 'dyan sabay na tayong pumasok."

"Pero may sakit ka pa kahapon ah. Magpahinga ka lang 'wag ka na muna pumasok."

"Ano ka ba, lalaki ako. Magaling ako. Saka ikaw nag'aalala sakin diba?!"

"Hay, ang tigas talaga ng ulo mo Xander. Sige na, hinintayin nalang kita mamaya."

"Ok, see you later!"



[Author's Note ]

Thank you for reading :)

My 1st work
* Itinakda ng Tadhana

Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon