XANDER'S POVAng weird naman ni Zoe ngaun. Almost 1 month nang ganun e.
Bakit kaya? Wala naman akong nasabi o nagawa di maganda sakanya.
Pero seryoso, miss ko na talaga 'sya.
Tawagan ko kaya Si kuya Liam. Para malaman ko kung may problema ba Si Zoe.
.........
"Bakit Xander?"
"Kuya may problema ba Si Zoe?"
"Wala naman ata, alam mo naman mga babae moody"
"Kasi almost 1 month na pakiramdam ko umiiwas 'sya sakin e."
"Hindi naman, lagi 'nya sinasabi na busy 'sya at maraming ginagawa sa school"
"Baka nga siguro"
"Ay naku, baka naman kasi nag'aalmusal nanaman kayo ah o di kaya.........."
"Anong o di kaya kuya Liam?"
"Ah wala naman, may topak lang siguro kapatid ko. Dapat kasi dun magka'boyfriend na pa magmature na e."
"Sana nga may topak lang 'sya kuya Liam. Ang alam ko kasi di naman kami nagkaroon ng tampuhan e."
"Hay naku.. Pag namiss ka nun kukulitin ka rin 'nya."
"Sana nga kuya, sige pala""Sige."
LIAM'S POV
Anu naman kaya nangyayari sa dalawang 'yun.
Lumabas ako ng kwarto at ngpunta sa garden. Nandun Si Zoe.
"O bakit nandito ka?"
"Wala kuya, di kasi ako makatulog. Ikaw?"
"Tumawag sakin si Xander. Tinatanong kung may problema ka daw."
"Ha? Wala naman kuya. Busy lang kasi talaga ako ngaun."
Halatang nagulat Si Zoe sa tanong sinabi ko."Parang meron e. Alam ko meron."
"Wala nga kuya! Anu ka ba!"
"Pansin kasi 'nya na umiiwas ka. Umiiwas ka nga ba sakanya?!"
"Kuya, hindi nga. Ang kulit 'nyong dalawa."
"Ok fine isip bata kong kapatid."
Tumayo na 'sya at bumalik sa kwarto 'nya.
ZOE'S POV
Nakakainis talaga Si Xander, nagsumbong pa kay kuya. Ito namang Si kuya isa pa!!!
Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Nakakainis talaga.
Naku di ko alam kung kuya ko ba 'sya mas kampi pa ata kay Xander. Hmp.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomansHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?